"Hey kumain ka muna oh. Dinalhan kita ng arroz caldo" Naalimpungatan ako sa malalim na pag-iisip ng bigla siyang magsalita. Napatingin ako sa kanya at saka binigyan siya ng tipid na ngiti. Inilapag niya ang bowl ng arroz caldo sa mesang katabi ng kama at saka siya tumabi sa sofang inuupuan ko. Iniiwas ko naman agad ang tingin doon sa dala niya. "Mamaya na. Kakakain ko lang ng tinapay kanina." tipid kong sabi habang nakatitig ako sa lalaking mahimbing pa ring natutulog ng payapa sa kama. "Totoo ba iyan?" hindi kumbinsidong tanong nito saka mataman akong tinitigan. Umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim. Suminghap nalang ako at napayuko nalang ng ulo dahil nagsisinungaling ako sa kanya. Ang totoo niyan ay hindi pa talaga ako kumakain dahil wala akong ganang kumain. Halos magta

