Goodmorning! Hindi ko na natiis at tinapos ko na itong chapter na ito para mai-post agad at makapag-type ng panibagong update bukas. Enjoy reading!!! "D-daddy..." nangangatal na sabi ko habang pilit ko pa ring pinipigilan ang pagduduwal. Matiim ang tingin niya sa akin habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni LuHan. Muli na naman akong nagduduwal ng maamoy ko na naman ang lugaw na hawak pa rin ni LuHan. Kaagad naman niya itong itinapon sa trash can saka nagmamadaling lumapit at hinimas-himas ang likod ko. Parang naitulos naman sa kanyang kinatatayuan si Daddy habang pinagmamasdan niya kaming dalawa. Sige pa rin ako sa pagduduwal habang nakaalalay at hinahagod pa rin ni LuHan ang likod ko. Napapikit ako ng maisip kong confirmed! I'm pregnant dahil eksaktong isang buwan ang i

