Kanina pa kami dito sa labas ng kwarto ni Lei at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang mga doktor at nurse na tumitingin sa kanya. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Lei kanina ng magmulat siya ng mga mata at ngumiti sa akin. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko at pilit akong inaabot. Ngunit dahil sa sobrang shock ko sa nangyari ay hindi agad ako nakalapit sa kanya. Nung magtangka naman akong lapitan siya ay siya namang dating ng mga doktor at nurse para tingnan ang kalagayan nito. Kaagad kaming pinalabas ng doktor dahil hindi daw kami pwedeng manood sa ginagawa nilang pag-eksamin sa pasyente. Wala na akong nagawa noon kundi lumabas nalang. Nagsisisi tuloy ako dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mahawakan siya at makausap man lang saglit. Pero bago pa man lang ako ma

