ONE MONTH LATER... NAGULAT si Asher nang biglang pumasok ang malakas at malamig na hangin sa loob ng mansyon dahilan para mahulog ang isang vase na nakapatong sa mesa. Nabasag ito at malakas na ingay ang nilikha. Biglang nakaramdam ng kaba si Asher at pumasok sa kaniyang isipan ang mga magulang niya na nasa Romania. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatitig sa nabasag na vase. Natauhan lang siya nang maramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. Mabilis niyang tinignan kung sino ang tumapik sa kaniya. "Kuya?" Aniya. Hindi niya naramdaman ang presensiya nito. Kumunot naman ang nuo ni Zacheuss. "You okay?" Tanong niya. Napatingin siya sa vase na nabasag. "What happened?" Umiling si Asher. "I don't know but I feel worried about my parents." Sabi niya saka naglakad palabas ng ma

