ALL OF THE Black Vampires, Black witch and Rogues, ang mga palasyo ni King Zachary at Queen Azleia ang palaging inaatake ng mga ito. Marami na ang napaslang na kawal ng palasyo. Hindi alam ni Queen Azleia kung hanggang kailan ang gulong nangyayari sa kanila. Napatingin siya kay Asher na kasama ng mga kawal. Nasa harapan ito ng palasyo at kasalukuyang sinasanay ang mga Royal Guard. Kasama ni Asher na dumating ang mga magulang ni Zachary. Malaki ang naitulong ng pagbabalik ng mga ito sa Romania pero nasa werewolf territory ang mga ito ngayon. Ang inaalala niya ngayon ay si Zacheuss na naiwan sa Pilipinas pero naroon naman si Ephraim, alam niyang hindi nito pababayaan si Zacheuss. Napabuntong hininga siya at napahawak sa pader nang makaramdam ng hilo. Hindi lang si Queen Azleia ang nakaram

