Part 9

2130 Words
Minsan Pa AiTenshi Part 9 "Meg, mag iingat ka doon sa pagbebenta mo, hindi porket ginagawa ng mga kasama mo ay gagawin mo na rin. Kapag gumawa sila ng kalokohan ay huwag mong sasamahan, maliwanag ba?" tanong ko sa aking kapatid habang kumakain ng almusal. "Opo kuya, pag naubos itong nilalako ko ay umuuwi na agad ako dito sa bahay para bantayan si Inay. Ikaw po ang mag ingat mukhang malayo nanaman ang mararating mo," ang wika nito. "Sira, diyan lang ako pupunta sa kabilang bayan, bibisitahin ko lang yung kaibigan ko, baka mayroon silang trabahong maibigay sa akin. Mag tatag ulan nanaman baka maglawa nanaman sa loob ng bahay natin umulan ng malakas. Kailangan mapalitan na yung lumang pawid sa itaas," ang tugon ko sabay gusot sa kanyang buhok. Dumukot ako ng barya at inaabot sa kanya. "Kung mauhaw ka at magutom bumili ka ng inumin at tinapay. Pero kung di naman ay huwag mo na gastusin itabi mo nalang at baunin mo bukas," ang dagdag ko pa. "Salamat kuya," ang sagot niya sa akin habang nakangisi. “Inay aalis na muna po ako, titingnan ko kung may mahahanap ako ng trabaho ngayong araw, may pagkain dyan sa lamesa, babalik po agad si Meg mamaya,” ang wika ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. Tumingin lang  sa akin si Inay at saka hinaplos ang aking mukha, wala siyang salitang binitiwan sa akin. Gayon pa man ay mahalagang nakikita niya ako na nagmamahal at nag-aalaga sa kanya ng lubos. Alas 8 ng umaga, nag abang ako ng jeep na nagdaraan sa aming lugar patungo sa kabilang bayan. Noong 1960s ay madalas jeep ang makikitang sasakyan sa kalsada, hindi pa uso ang bus noon, wala ring kotse at kumikita pa ang mga kalesa at kutyero ito ang kadalasan sinasakyan ng mararangyang espanyol kapag sila nagtutungo sa mga simbahan o mga pribadong pagtitipon. Noong panahon din iyon inilabas ang kauna unahang modelo ng motor sa bansa at kinakabitan ito ng sidecar na parang maliit na kolong kolong para may sakyan ang pasahero, ang bilang lamang ang makikita mong nagmomotor sa daan dahil noong mga panahong iyon ay mahilig mag ayos ng buhok ang babae kaya mas gusto nilang hindi ito nagugusot. Iyon ang namana nila sa mga kababaihang dayuhan na lagi nakapusod ang buhok at may burda ng mamagarbong pangtali. 45 minuto ang byahe patungo sa kabilang bayan, sinadya ko ang adres ng isang malapit na kaibigan sa tarangkahan palang ng kanilang gusali ay nakita na niya agad ako, bumakas ang ngiti sa kanyang mukha, “Oy El! Kumusta? Tangina mo tagal kitang hinihintay dito ah!” ang wika niya sabay akbay sa akin. “Maayos naman ako, salamat. Ikaw Don kumusta ka? Abala kasi ako sa pag siside line doon sa kabilang bayan. Heto, naghahanap ako ng maayos na trabaho baka matulungan mo ako,” ang wika ko naman habang pumapasok kami sa loob. “Aba oo naman. Alam mo yung amo kong hapon ay may biniling 6 na motor doon sa Japan, nais niya ipamasda ito, Tig iisa tayo, tuturuan tayong imaneho ng isang buwan at tapos lalarga na tayo. Iyon ay kung gusto mo lang. At kukunin sana kita ninong ng anak ko,” ang wika pa nito. “Oo naman, bakit parang hindi ka makapaniwala? Hindi naman porket nakikita mo akong tinitira sa pwet ng isang maskuladong preso dati ay bakla na ako. Inaamin ko na nag init ako habang nakikita kong kinakasta na parang aso ni Aron si Ariel noon pero hanggang doon lang iyon. Ang totoo nauna lang yung anak, hindi pa ako kasal, nag iipon pa ako para madala ko siya kahit sa harap ni mayor. Sa panahon ngayon ay hindi na siguro mahalaga ang magarbong kasal, yung praktikal nalang sapat na iyon,” ang wika niya habang naka ngiti iabutan niya ko ng isang platong pansit at softdrinks. “Teka, bakit ngayon ka lang nagpakita dito? Dumaan si Baron dito noong nakaraang linggo, kinakamusta ka,” ang dagdag pa ni Don. “Naging abala kasi ako sa pag-sama sama sa mga construction at sa paglilinis ng mga kalsada, paglilinis ng bakuran, pagkakargador, basta lahat pinasok ko. Mag tatag-ulan nanaman kasi, yung pawid na bubong ng bahay namin ay wasak na, ayoko namang maging basang sisiw ang nanay at kapatid ko kapag umuulan kaya nag-iipon ako pambili ng yero,” ang sagot ko habang kumakain. “Mabigat ang trabahong pinapasok mo Elric, dito ka nalang at medyo maganda ang kita dito. Saka yung yero lang ang kailangan mo tamang tama, ito ang pinakamaswerteng araw mo, nagpapagawa ng bagong gusali yung amo ko, ang daming mga yero itinapon doon sa kabilang bakod dahil hindi niya gusto ang pagkakagawa, gusto niya kasi yung mayroon agad desenyo katulad ng inaangkat sa ibang bansa. Kaya halos lahat ay itinambak nalang doon sa basurahan. Bilisan mong kumain diyan, ipapakilala kita doon sa among hapon, mabait iyon at magaling na rin magtagalog,” ang wika ni Don. At iyon nga set up, dinala ako ni Don sa opisina ng kanyang among hapon, nasa middle na ito at abalang abala sa pag kukwenta ng mga pera sa kanyang lamesa. Noong makita niya kami ni Don ay ngumiti ito at itinigil ang kanyang ginagawa. “Mr. Tanaka, siya po yung kaibigan ko na ikunuwento ko sa iyo,” ang bungad ni Don. “Upo kayo,” ang bati nito at tumingin sa akin, “Ikaw ba dati rin preso?” tanong niya dahilan para mapatingin ako kay Don hindi ko alam kung itatanggi ko ba ito o aaminin. Basta tango lang sinagot ni Don at saka ngumiti. “Opo, ngunit matagal na akong nakalaya, sa loob ng kulungan ay nagttarabaho bilang taga ingat ng mga libro sa silid aklatan,” ang wika ko na may halong pagkahiya. “Nice, ako tanong sa iyo kasi ako dati rin preso. Kaya ako tulong sa mga preso katulad mo. Dahil kaibigan ka ni Don, ako bigyan kita maayos trabaho,” wika nito habang nakangiti na labis kinamangha. Ang totoo noon ay talagang mababait ang mga banyaga noong mga panahon na iyon, mas mapagbigay sila at mas galante kaysa sa kapwa natin kababayan. Kung minsan ay lalamangan ka pa ng iba at dadayain, pero hindi nilalahat, karaniwan lang sa nakakasalamuha ko at base na rin sa aking karanasan. Halos 30 minuto kaming nagkwentuhan ni Mr. Tanaka, at naisingit na rin ni Don yung tungkol sa pawid na bubong namin sa bahay, dito na rin niya hiningi yung mga yerong hindi na ginagamit. Ang pinakamagandang katangian ni Don ay yung marunong siyang makisama, kaya’t lahat ng tao sa kanyang paligid ay nakukuha niya ang loob, nakita ko rin kung paano siya kagiliwan at pagkatiwalaan ng matandang hapon. “Isang taong mahigit palang ako dito El, pero pinagkakatiwalaan na ako ng matandang iyon, napatunayan ko na ang tanging sikreto para kagiliwan ka ng tao ay ang iyong kabaitan, kabutihang loob at pagiging mapagkumbaba,” ang wika niya habang lumalakad kami patungo sa kabilang tambakan. “At iyan rin ang dahilan kung bakit tayo nakalaya sa selda, kung nandito si Ariel at Aron malamang ay magkakasama tayo ngayon. May pagkakataong napapanaginipan ko pa rin silang dalawa at gigising nalang ako na umiiyak o may luha sa mata,” ang tugon ko habang naglalakad kami. “Ganyan rin ako, kagabi lang napanaginipan ko si Aron at sinabi niya gusto niyang maging ninong ng aking anak. Masayang masaya ako noon dahil nakita ko siyang muli, pero napagtanto ko na panaginip lang pala ang lahat kaya’t noong pag-gising ko ay naging emosyonal ang umaga para sa akin. Pero alam kong nandito naman sila at binabantayan nila tayo. Masaya sila sa takbo ng buhay natin ngayon,” ang sagot ni Don sabay tapik sa aking balikat. Alas 5 ng hapon noong makauwi ako sa bahay. Dala ko ang sampung piraso ng mga yero at pako. Halos naglulundag sa tuwa si Meg noong makita niya ito na hindi maitago ang pananabik. Agad rin akong lumapit kay inay at sinabi ang magandang balita. "Inay hindi na tayo mababasa sa tag-ulan dahil mayroon na tayong bagong yero, sa susunod na linggo ay ikakabit ko na ito. Tapos ang pinakamagandang balitang dala ko ay mayroon na po akong trabaho. Naalala niyo ba si Don yung kaibigan ko sa loob ng selda, ipinasok niya ako sa amo niyang Hapon at binigyan nila ako ng trabaho dyan sa bayan natin. Diyan nalang ako inilagay para hindi daw ako mapagod ng husto, at aksayado sahod daw kung mamasahe pa ako araw araw papunta sa kabilang bayan," ang wika ko habang nakangiti. "Ano naman po trabaho mo kuya? Para maikwento kita sa mga kaibigan ko," ang masiglang tanong ni Meg. "Isa akong kartero ng mga liham at nakasakay ako sa motor!" pagmamalaki ko. "Kaso isang buwan din akong mag eensayo. Gusto kasi ng hapon na may ari ng padalahan ng liham ay mabilis ang pagdadala ng sulat na dumarating sa bayan kaya sa halip na biseklata ang gamitin ay kumuha ito ng mga motorsiklo sa bansang Japan. At isipin mo iyon Meg, bihira ang nakakapag-motorsiklo sa bayan na ito. Yabang diba?" ang dagdag ko pa. "Kuya pwede mo ba ako iangkas? Sige na!" ang pamimilit nito. "O sige kaya manalangin ka na maging maayos ang trabaho ko para maipatingin natin si inay kapag kumikita na ako ng pera. Isa pa ay kailangan na rin mabago ito itaas natin habang hindi pa umuulan," ang wika ko sabay tingala dito ay kitang kita ko ang gaga platong butas sa aming silong. Napakamot ako ng ulo at habang nag iisip samantalang si Meg naman ay hinihila ang mga yero papasok sa bahay. "Baka po manakaw e," ang hirit nito. Tawanan kami. Nung lumabas ako sa kulungan ay hindi ako nagkaroon ng maayos na trabaho. Halos isang taon rin akong pagala-gala sa bayan para makahanap ng eextrahan. Kahit ano ay pinapasok ko para may maiuwi lang sa pamilya ko higit sa lahat ay sila ang pinakamahalaga. Malaki rin ang naitulong sa akin ng pagkakabilanggo, mas maging mahusay akong makisama, mas naging matapang, mas matatag at ngayon positibo kong pinapahalagahan ang aking buhay. Sa loob ng isang taon ay ngayon lang ako magkakaroon ng permanente at maayos na trabaho kaya't sa unang gabi palang ay hindi na ako makatulog ng maayos dahil sa pananabik. KINABUKASAN. Nag simula na ang unang araw ng aking pag eensayo. Ang nagturo mismo sa akin mag maneho ay si Don. Isang araw lang kasi natuto na siya kaya't sa tingin ko ay ganoon din ako. Marunong naman akong mag bisikleta kaya ang pagbalanse ay hindi na rin problema. Basta hindi naman kailangan mabilis ang patakbo, ang dapat ay maingat lang. Tinuruan din ako kung paano magbasa ng address at hanapin ito. Dito lang naman sa buong bayan ang lokasyon ng aking trabaho. Lahat ng sulat o telegrama na ipapadala sa aming opisina ay ako ang mag dadala sa mga bahay bahay. "Madali lang naman diba tol? Marunong ka naman bumasa, kapag naliligaw ka at di mo makita ay magtanong ka," bilin ni Don habang ipinapakita ang mga lumang sulat sa akin. "Yan ang unang trabaho ko ang maging kartero. Kaso napagod ako ng husto kasi sa bisekleta lang ako nakasakay kaya swerte ka mas mabilis ang transportasyon para sa iyo. Madali lang naman ito at marami ka pang makikilalang mga tao," saad pa niya. "Syempre naman ilang taon rin akong nakabantay sa silid aklatan, doon na natuto mga basa ng mabilis at hindi na yung uutal utal." "Ang mahalaga lang naman ay mabasa mo yung apliyido at simula ng address, kapag alam mo na kung saan ka pupunta ay napakadali nalang magtanong," tugon niya sa akin. "Teka diba mag momotor ka rin? Anong trabaho mo?" tanong ko naman. "Lalagyan ng sidecar ni Boss iyan, magdedeliver ako ng mga gamit doon sa bayan namin. Yung mga paorder na lamesa, silya at kung ano ano pa," sagot naman niya sabay taas ng bote ng softdrinks na kanyang iniinom. Tumagal ng halos dalawang linggong mahigit ang aking pagsasanay hanggang sa nakita ko nalang ang aking sarili nakasakay sa motor, nakasuot ng uniporme at at sumasabay sa malamig na ihip ng hangin. Kapag dumadaan ako sa bukirin ako bukirin ay huminga ako ng malalim para lumanghap ng sariwang hangin, ninanamnam kong mabuti ang sarap sa pakiramdam ng malayang buhay. Ang buhay na ngayon ko palang nabigyan ng mas malalim na kahulugan magbuhat noong dumating ang sunod sunod na dagok at pasakit nito. Patuloy ako sa pagddrive, banayad ang aking takbo.  Sa mga nakalipas na panahon ng aking buhay ang pagtulog nalang at pananaginip ng malaya ang pinakamasarap gawin. Kaibahan ngayon na nananabik akong gumising ng maaga upang masilayan ang bagong umaga at pag asa na darating sa aking buhay. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD