Part 10

2049 Words
Minsan Pa AiTenshi Part 10 Sa pagdaan ng mga araw ay nakasanayan ko na ang aking nakagawiang trabaho. Tuwing ikaw 15 araw ang aking sahod. Maliit lang naman ito ngunit sapat na para may pang gatos ang aking pamilya. Pagdating naman katapusan ng buwan ay marami akong nabibili para sa kanila, nakabili na rin ang matibay na kahoy sa aming bubong. Kaunti panahon nalang at mapapalitan ko rin ito ng mas matibay. Kapag may libre oras o maaga akong nakakatapos sa trabaho ay iniaangkas ko si Meg paikot ng bayan. Halos hindi mapapantayan ang kanyang kaligayahan habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid na aming dinaraanan. Para sa kanya na ang buhay lang ay ang magbenta ng basahan at retaso sa kalsada, ang makakita ng ganito kakagandang lugar ay isang paraiso. Doon kami malapit sa amin ay puro puno at ilog ang makikita, ngunit iyon isang mahabang lakaran pa. "O mag ingat ka pauwi, dadalhin ko lang itong liham doon sa dulo ng bayan. Umuwi ka agad at yung mga pagtawid tawid mo ay ingatan mo," ang wika ko noong ibaba ko si Meg sa tabi ng simbahan. "Opo kuya, bukas ulit ha," ang hirit niya kaya naman ginusot ko ang kanyang buhok, "hindi pwedeng madalas baka mahuli tayo at mawalan ako ng trabaho," tugon ko naman sabay sakay sa aking motor. Bandang hapon na iyon kaya kailangan ko ring bilisan bago pa ako abutan ng dilim. Mabilis lang akong nakarating sa duluhan ng bayan, hindi ko lamang alam ang eksaktong lugar na aking pupuntahan kaya naman naghahanap ako ng taong mapagtatanungan. Mabuti na lamang at may nadaanan akong  isang lalaking nakasuot ng uniporme sa kanyang trabaho. Malayo ang kanyang tanaw habang naka upo sa waiting shed.  Kapansin pansin rin na maputi ang kanyang balat kaya naman mahahalata mo agad ang mga dugo at pasa sa mukha nito. Maigi kong pinag masdan ang kanyang mukha na nakatulala, ayoko siya istorbohin sa ganoong posisyon ngunit kailangan kong mag tanong, “pre, isa akong kartero, alam mo ba ito Villa Cruz?” ang tanong ko. Tumingin lang siya sa akin na blanko ang mukha pero agad rin niyang binawi. Napabuntong hininga nalang ako. “Kailangan mo ban g tulong? Halika sumakay sa akin, napano ka ba?” tanong ko naman. Ngunit muli ay tumingin lamang ito sa akin at umiling. Wala naman akong nagawa kundi paandarin ang motor at tumakbo palayo bagamat itinatanong ko sa aking sarili kung bakit bugbog sarado ang mukha nito.  Hindi naman siya mukhang basag ulo, sa tingin ko ay napagtripan lamang ng kung sino. Pumasok ako sa pinakadulong barangay, pasikot sikot ang daan, makitid at lubak lubak, mabuti nalang at kinaya ang aking motor, iyon nga lang ay sobrang hirap nito daanan kaya naman walang masyadong sasakyang nagtutungo dito maliban sa mga karitong kalabaw. Huminto muna ako sa isang tindahan upang bumili ng tinapay at tubig dahil tuyong tuyo na ang aking lalamunan, ang maganda ngayong araw ay nahatid ko ang lahat ng liham at telegrama sa mga may ari nito ng mas mabilis. Iyon nga lang natatakot na rin akong magdala ng telegrama dahil kadalasan nito ay trahedya, katulad na lamang kahapon na dalawang telegrama ng kamatayan ang aking inihatid kaya halos nagwala ang taong nakatanggap nito. Wala naman akong magawa kundi ang umalis nalang at umiwas sa masalimuot na tagpong iyon. Alas 8 ng gabi noong muli akong dumaan sa waiting shed kung saan ko nakita ang lalaki kanina at laking gulat ko noong makitang nandoon parin ito. Nakahiga sa mahabang upuan at naka baluktot na parang isang sangol sa sinapupunan ng ina habang ang nakaunan sa kanyang braso sariling braso. Kung sa kulungan tumambay itong gagong ito malamang ay ilang beses na ito binarena ng mga siraulong preso doon. Gwapo naman at makinis, mga bagay na gustong gusto nila. Nilagpas ko ang waiting shed.. Pero maya maya ay huminto ako at naisipan ko siyang alukin ulit sumakay dahil gabi na at delikado pa doon. Ewan, parang may kung anong nag tulak sa akin para lapitan ito bagamat may halong kaba sa aking dibdib. "Tol, ayos ka lang ba?" ang tanong habang marahan ko itong kinakalabit. Noong mga sandaling iyon ay ibayong awa lang ang aking naramdaman, nakikita ko sa kanya si Ariel at si Aron dahil pare pareho silang mapuputi mga meztiso. “Tol, delikado dito, ayos ka lang ba?” tanong ko ulit. Unggol lamang ang kanyang isinukli sa akin at marahan itong bumalikwas ng bangon. Halatang masakit ang kanyang ulo dahil naka ngiwi ito, idagdag mo pa yung kanyang pasa sa mukha na nangingitim na at magang magang.  “Tol ako yung kartero kanina na nag tatanong at nag sasakay sa iyo. Nagtataka lamang ako kung bakit nandito ka pa rin e gabi na. Delikado dito baka mapagtripan ka ng mga drug adik. O kaya baka kung mapano ka pa, halika saan ba kita ihahatid?" mahinahon kong tanong. Tumingin ito sa akin ngunit agad din nya itong binawi. "Dito lamang ako. Ayokong umuwi sa bahay." "Bakit? Saka bakit puro ang mukha mo?" "Bakit ba ang dami mong tanong? Kunin mo na ang motor mo at iwanan mo na lamang ako. Ayos lang ako dito,” ang singhal niya bagamat ramdam kong masakit lamang ang kanyang katawan. "Teka lang, muna, nag uusap ng tayo e diba? Gusto ko lang naman tulungan ka. Ganito nalang, kung ayaw mong umuwi sa inyo, sa amin ka na lamang muna mag palipas ng gabi at dumaan na rin tayo sa klinika para malagyang lunas ang mga pasa mo. Libre naman ang gamot sa amin kaya wala tayong gagastusin. Ako nga pala si Elric." ang pag papakilala ko sabay lahad ng aking kamay. “Hindi ka ba natatakot sa akin na baka isa akong kriminal o mamamatay tao?” tanong niya dahilan para matawa ako, “Hindi kasi sanay akong makisama sa mga katulad niyong kriminal at masamang tao, iyon ay kung totoo nga ang sinasabi mo. Wala kang ideya kung ilang beses na akong nakipag sagupaan sa kanila pero heto, buhay pa rin naman ako. Ano tayo na, saka wala naman sa mukha mo ang maging masamang tao,” ang sagot ko naman. “Bakit mo naman ako tutulungan? Bakla ka ba?” tanong niya sa akin. “Anong kinalaman ng pagiging bakla sa pagtulong? Hindi ako bakla at ang nais ko lang ay tulungan ka, naaalala ko lang sa iyong yung dalawang kaibigan ko noon. Pero huwag na natin pag-usap. Tara! Anong pangalan mo?” tanong ko ulit. "Joem, salamat sa maganda alok mo pero wala akong perang ipambabayad sa iyo dahil na hold up ako kanina. Kinuha lahat ang aking gamit at walang itinira. Kaya napagpasyahan ko na dito na lamang ako mag palipas ng mag damag.” "Saan ka ba nagtatrabaho? Alam na nila na may nangyaring masama sa iyo?” “Wala silang paki-alam doon. Isa lang akong serbidor sa maliit na kainan,” ang sagot niya sa akin. Napabuntong hininga ako.. “Mabuting tao ako kaya huwag kang mag alala. At intensyon ko rin namang tumulong. At isa pa ay delikado dito kargo de konsensya ko pa kapag iniwan kitang mag isa." tugon sabay ngiti sa kanya. Ito ang isang bagay na natutunan ko sa loob ng kulungan. Ang ibahagi ang iyong sarili sa ibang tao at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Inalalayan ko siya at inangakas sa aking motor. Makalipas ang ilang minutong pag uusap, nakapag desisyon na rin ito na sumama sa akin, tahimik lamang siya habang nakaupo sa aking likuran at walang kibo, halatang malalim ang iniisip. Bago kami tuluyang dumiretso sa bahay, huminto muna kami sa klinika ng aming barangay upang mabigyan ng paunang lunas ang mga sugat sa kanyang mukha. Bumili na rin kami ng pansit at mga tinapay para sa aming hapunan. Tiyak na gutom na si Meg niyan at nag aabang na iyon sa aking pagdating. Pagdating sa bahay ay inalalayan ko si Joem, nagulat rin si Meg at kumuha agad ng mainit na tubig upang mahugasan ang ilang sugat sa katawan nito. “Maliit lang itong bahay namin pero ligtas ka dito,” ang wika ko naman. “Kuya sino ba siya? Banyaga ba iyon? Parang pinaghalong hapon at amerikano sa puti ah. Saka bakit mayroon siyang mga tama sa mukha?” pang-uusisa ni Meg nag aayos ng pagkain sa hapag kainan nag sindi rin kami ng tatlong kandila para mas lumiwanag pa sa kusina. Wala naman akong nagawa kundi isalaysay sa kanya yung pangyayari kanina, dala lamang ng awa kaya ko ito ginawa. “Eh paano kuya kapag mamamatay tao iyan?” bulong ni Meg. “Edi papatayin ko rin siya balik kulungan ako,” ang biro ko naman sabay katok sa kanyang ulo, “Sira ka talaga, kung mamamatay tao iyan edi sana ay itinumba na niya ako kanina at kinuha yung motor na gamit ko,” ang bulong ko rin sabay salin ng tubig sa mga baso. Inayos ko rin yung ulam na gulay at pritong isda katabi ng isang malaking plato ng pancit. Tinulungan ko si Joem na lumakad patungo sa kusina at inalalayan siya sa pag-upo. Mag katabi kami sa silya at ako pa mismo ang nagsandok ng pag pakain sa kanya. “Kapatid ko nga si Meg, at nandoon yung nanay ko kwarto natutulog na, kumain na iyon kanina at pag ganitong oras ay nagpapahinga na siya.” ang wika ko naman. “Salamat sa pagtanggap sa akin, huwag kayo mag-alala dahil di ako masamang tao,” ang wika niya sa amin dahil para matawa si Meg. “Wag kang mag-alala kung sakaling masamang tao kay ay patay ka tiyak kay kuya kasi kilabot yan sa Mc Arthur Prison,” ang hirit nito dahilan para matawa ako. Napakunot noo lang si Joem tapos ay natingala ito, napatingala rin kami ni Meg dahil butas ang pawid ng aming kusina. “Pasensiya na, ang totoo niyan papakabitan ko iyan ng yero,wala lang akong katulong.  Pero sabado naman bukas, hahanap ako ng makakatulong sa pagkakabit ng yero kasi tag-ulan na rin sa susunod na linggo, baka maging basang kuting itong kapatid ko,” ang biro ko naman. “Marunong akong mag karpitero, iyon ang trabaho namin dati,” ang mahinang sagot niya. “Ayos! Libre na sa gawa!” ang wika ni Meg dahilan para mahiya ako. “Talaga ba? Huwag ka mag-alala akong bahala sa bayad sa iyo basta huwag mahal ha,” ang wika ko naman. Tawanan kaming magkapatid. Napag-alaman kong 23 anyos na rin pala si Joem a.k.a Joe Mar Alarcon at kasalukuyang siyang nagtatrabaho sa isang kainan doon sa bayan. Tamad daw kasi siyang mag-aral kaya’t hindi na siya nag balak pumasok sa paaralan, hanggang sekondarya lamang siya, basta ay nakakabasa at nakakasulat lang ay ayos na sa kanya. Kung sabagay sa panahong ito hindi naman talaga obligado ang mag-aral ka, elementary lang o high school sapat na. Ako? Nakatungtong naman ako ng dalawang taon sa sekondarya hindi ko na rin ito itinuloy dahil wala naman akong balak tumapak sa mas mataas na antas.  Magandang lalaki ito at may dugong espanyol at intisik kaya naman pala maputi at napakaganda ng kanyang mukha. 5’10 ang taas at maganda ang pangangatawan. Para siyang isang modelo at halatang anak ng isang mayamang pamilya. Tahimik lamang si Joem, hindi ito mag sasalita kung hindi mo kakausapin kaya naman ako lagi ang nag tatanong sa kanya upang hindi ito makaramdam ng pag kailang. Pinagmamasdan ko lang siya habang nagbibihis, kasya sa kanya ang aking damit at short halos magkasing laki lang kasi kami ng katawan. Pati pangloob ay pinahiram ko lang din siya, hindi naman kasi ako maarte. Misteryoso. Ito ang salitang nag lalarawan kay Joem, dahil sa buong mag damag na kasama ko ito ay wala man lang naikwento o naibahagi sa akin. Ngunit ayos lang naman dahil iginagalang ko ang kanyang karapatan. Marahil ay hindi lamang talaga siya open sa ibang tao kaya ganoon nalang kung mag tago ito. At syempre para patas, hindi rin ako nag bahagi ng kahit na anong bagay tungkol sa aking sarili maliban sa mga bagay na nakikita ng kanyang mata.  Kaya noong gabi ring iyon ay minabuti ko na lamang na ipahinga ang aking katawan dahil bukas ay tiyak na panibagong araw nanaman ang nag hihintay para sa akin. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD