Minsan Pa AiTenshi Part 14 Sa paglipas ng mga araw ang salitang "misteryoso" sa pagkatao ni Joem ay tila unti unting nabura. Unti unti niyang binuksan ang kanyang sarili sa akin upang mas makilala ko siya ng lubos. At dahil dito ay yumabong na rin ang aming samahan bilang isang matalik na magkaibigan. Ang ibig kong sabihin ay close na kami noon pero ngayon mas nakilala ko pa ang pinakamaliit na detalye sa kanyang buhay ay mas naging malapit pa kami sa isa’t isa. Sa pagbukas ng bagong araw ay parati kaming magkasama maliban nalang kapag siya ay may pasok sa kainan at ako naman ay naghahatid ng sulat bilang kartero. Masasabi kong si Joem ay isang mabuting tao, isang ulirang kapatid na responsible at hindi mawawalan ng diskarte sa buhay. Dahil dito ay labis ko siyang hinangaan. Kapag kata