Minsan Pa AiTenshi Part 13 Malakas ang buhos ng ulan noong mga sandaling iyon. Nakasilong lamang ako sa isang lumang tindahan habang nakatingala at pinagmamasdan ang pagbagsak nito sa kalangitan. Hawak ko ang mga liham na aking ihahatid sa gawing duluhan ng bayan ngunit sa kasamaang palad ay naantala ang aking trabaho dahil sa sama ng panahon. Maayos naman ang aking buhay nitong mga nagdaang araw. Bagamat paulit ulit ito ay masasabi kong masaya naman dahil payapa ito at walang gusot. Nakahiram ako ng pera kay Don ginamit ko rin ito para ipacheck si inay at para mabigyan siya ng tamang gamot at bitamina. Dati pa rin ang aking buhay, malayo ito sa pag-asenso ngunit ang makaraos sa isang araw ay malaking bagay na para sa akin at sa aking pamilya. Mura lamang ang bilihin noong panahon ng