Minsan Pa AiTenshi Part 12 Lumipas ang mga araw, bumalik sa normal ang aming mga buhay. Ako ay nagpatuloy sa pagkakartero, at si Joem naman ay tuloy sa kanyang pagiging serbidor sa isang kainan sa dulo ng bayan. Kapag tumitingin ako sa ibubong ng aming bahay ay naalala ko siya at ang kanyang kabutihan. Gayon pa man kailangan naming kumayod at magtrabo ng maigi para sa aming pamilya. "Mukhang nakakasanayan mo na ang pagiging kartero ah, ang sabi ng nasa opisina ay mabilis kana daw mga mahatid ngayon, siguro ay nagamay mo na ang pasikot sikot sa buong bayan," ang wika ni Don habang kumakain kami sa tanghalian. "Dalawang buwang mahigit na akong paikot ikot sa bayan. Halos kilala na rin ako ng mga tao doon sa duluhan, doon sa mga taong tumatanggap ng liham. Kapag paulit-ulit ang trabaho ti