XVI Hindi umalis si Jude sa presinto kahit na pinauwi na siya ng mga pulis nang malaman niyang nasa iisang lugar lang sila ni Grace, hinihintay niyang lumabas ng interrogation room si Nathan, gusto niyang makita at makausap ang dalaga. Pagbukas ng pintuan ay agad siyang tumayo, hindi nga siya nagkamali ng lumabas si Nathan sa silid, napasulyap ito sa kanya, “bakit hindi ka pa umuuwi, ayos na, wala ka nang problema rito Mr. Santillan, kong ako sa inyo magpahinga ka na sa inyo,” wika ng detective. Kitang-kita ang pagod sa mukha ng detective. Naglakas loob siya na magsalita, “na-na saan si Grace?” Bahagyang nagulat si Nathan sa kanya, halata sa mukha nito ang pagkabigla sa tanong niya. “Mr---” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Nathan. “Kailangan ko siyang makita, pakiusap sabihi