XI Paglabas ni Grace para diligan ang mga halaman sa palibot ng Gray House, sakto naman na nakita niyang kakaparada pa lamang ng kotse ni Jude sa labas ng gate, kaya binitawan niya at lumapit sa gate para pagbuksan ang binata, pero hindi ito bumaba o umandar man lang ang kotse para pumasok, pinagtataka rin niya kong bakit maaga itong umuwi samantalang hindi pa siya nakakahanda ng hapunan. Lumapit siya sa kotse, pagsilip niya sa bintana na pagbukas, nakita niyang nakaupo pa rin doon sa loob ang binata, hindi na nito suot ang coat na itim at pati na rin ang neck tie nito, nakatupo na hanggang siko ang long sleeve nitong puti, bahagyang magulo rin ang buhok ng binata. Bumaling ito ng tingin at ngumiti. “Sir ang aga po ng uwi ninyo ah, kaso sir hindi pa nakahanda ang hapunan,” sabay ngiti