X Hinang-hina si Mary Ann ng magising siya na masakit ang buo niyang katawan lalo na ang masilan na parte ng katawan niya, ramdam niya ang malamig na sahig na kinahihigaan niya, nakatali ang magkabila niyang kamay at paa, ramdam din niya ang takip sa kanyang bibig. Nang idilat niya ang mga mata, wala siyang makita na kahit na ano kong di dilim, kahit na anong pilit niya ay wala talaga. Kabadong-kabado siya, wala siyang ideya kong paano siya napunta sa lugar na ‘yon, naamoy niya ang masangsang na dugo sa paligid, lumuluha na siya dahil sa kaba. Hanggang sa unti-unti siyang makaramdam ng animoy may humihiwa sa ibabang parte ng katawan niya, dahil doon ay napapasigaw siya sa sakit pero impit na sigaw ang lumalabas sa bibig dahil sa may takip siya, gusto na niyang matapos ang paghihirap niy