IX Bumalik na naman sila Nathan sa bahay ni Jude nang makatanggap sila ng tawag galing doon, sumasakit na ang ulo pagkatapos niyang mahingian ng testimony ang tatlong tao sa bahay, si Jude na nakakita ng putol na kamay sa mismong kama nito sa loob ng silid, si Grace at ang binatang nagkakabit ng mga cctv sa bahay, hindi rin natapos ng binata ang ginagawa dahil sa nangyari. Nilapitan niya si Grace na tulalang nakaupo sa loob ng dining room, walang imik hanggang sa makalapit siya rito, tumingala ito nang mapansin ang presensya niya, “mag-iingat ka sa kanya,” aniya sa dalaga. “Huh?” Tanong ni Grace sa kanya. Lalo pa siyang lumapit sa dalaga para sila lang mismo ang makarinig sa pinag-uusapan nila, “hindi ako sigurado kong ano nga ba ang nangyayari sa bahay na ito, pero sa tingin ko mag-re