XIII Pinuntahan ni Grace si Jude sa kulungan na pinagdalhin sa binata, walang ka-tao-tao at nag-iisa ito sa loob ng silda, inilayu ito sa iba pang nakakulong sa presinto, wala itong imik sa madilim at mainit na silid para sa mga masasamang tao, para sa dalaga hindi nababagay ang binata roon. Walang imik at yakap ni Jude ang tuhod niyang nakaupo sa pinakasulok ng silada, bahagya siyang lumapit para makita niyang lalo ang binata, pero nang mapansin ang presensya niya ay agad itong tumingala. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ng binata sa kanya, sa pananalita nito, halatang hindi siya nito gustong makita. Ang bigat ng pakiramdam niya hanggang ngayon, hindi niya gusto ang mga titig sa kanya ng binata, “Jude, sorry,” may nagbabadya na namang luha sa kanyang mga mata. “Hindi kita kailangan,