XIV Pinagmasdan ni Syrous ang bagong dating na kotse na pumarada sa harapan ng Gray House. Inayos niya ang suot niyang damit, tahimik lang siya sa puwesto niya habang hinihintay niyang bumaba sa kotse, dalawang mag-asawang matanda at isang lalaki na may maskara sa mukha ang bumaba sa itim at malaking sasakyan. Imbes na ituon ang atensyon sa mag-asawa, naiwang nakatingin si Syrous sa binata, hindi niya makita ang mukha nito dahil sa maskarang puti na animoy ito ang nagsisilbing mukha ng binata. Muli niyang binaling ang tingin sa mag-asawa ng makalapit ito sa kanya, "magandang umaga po Mr at Mrs. Forteza. Maligayang pagdating sa Westwood at sa Gray House." "Gray House?" Pagtataka ni Mr. Forteza. "Bago tayo mapunta sa kwento ng bahay na 'to, magpapakilala po muna ako, ako nga po pala s