Chapter 3

1645 Words
III Nakaakbay si Jude sa kanyang kasintahan na si Odessa habang pinagmamasdan nila ang bagong biling bahay galing sa kanilang pinag-ipunan. “Ang ganda diba,” papuri ni Jude sa mansyon. Masyado itong malaki para sa dalawang tao, pero balak nilang bumuo ng pamilya roon. Bahagyang lumayo si Odessa at hinawakan ang kamay ng binata, “dito tayo muling mag-uumpisa,” anya. “Tama,” ngiting sagot ni Jude. Lumapit ang lalaking nagbinta sa kanila ng bahay na siyang tumutulong din sa kanila para maayos ang mga papeles sa paglipat sa kanilang pangalan. “Sana naman napa-blessing ninyo ang bahay bago ninyo nilipat ang mga gamit ninyo,” suwestyun ng lalaking nag-ngangalang Froilan. “Ilang beses muna nang sinabi yan ah, bakit ano bang meron sa bahay na yan at nagtataka rin kami sa tawag niya eh, Gray House pero hindi naman siya gray?” pagtataka ni Jude. Huminga ng malalim si Froilan bago ito nagsalita, “pinangalan siya sa namatay na anak ng unang may-ari ng bahay. Ang mga Cervantes ang unang pamilyang tumira dyan, kaso maraming nangyari kaya hindi inaasahan na namatay ang anak nilang si Gray, mahabang kwento, pero maliban pa roon may sumunod na pamilya ang tumira dito at bumili ng bahay.” “Medyo masaklap din ang nangyari sa kanila, namatay kasi sa isang aksidente ang mag-asawang Forteza, ang anak nilang si Curt ay hindi na nahanap ng mamatay ang mag-asawa nila, tatlong taon na ang nakakaraan kaya hindi na nag-aksaya pang hanapin ang binata.” “Sa totoo po sobra pa sa isa ang namatay sa mismong bahay na yan maliban kay Gray, patawarin ninyo ako kong ngayon ko lang nasabi sa inyo ang tungkol dito, sana hindi ninyo bawiin ang lahat sa pinagkasunduan natin,” paliwanag ni Froilan sa magkasintahan. Pero ni isa ay wala man lang nararamdaman na pangamba si Jude kahit na nalaman niya ang tungkol na nangyari sa mga tumira sa Gray House, “wala naman kaming balak bawiin, mas maganda na sinabi muna sa amin, hindi naman kami nagsisisi na binili namin ‘to.” Masayang saad ng binata at muling inakbayan si Dessa. ISANG linggo na ang nakakalipas simula nang tumira ang magkasintahan sa Gray House, ang sinasabi nilang mag-uumpisa ay unti-unting nawawala. Araw-araw silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan kahit sa simpleng bagay, bigla ring bumalik sa isipan ni Jude ang bagay kaya sila lumipat doon, para ilayo ang dalaga sa temptasyon sa dating kasintahan nito, pero kahit na anong layo niyang gawin ay umuulit pa in si Dessa Iyak ng iyak si Dessa habang nakatingin sa kasintahan na masama ang tingin sa kanya at namumulang mata. “Jude ano ba itigil muna ang paglalasing, hindi ‘to makakatulong sa atin, ayusin na natin ‘to,” pagmagmamakaawa ni Dessa. “Itigil? Ano ba ang ititigil ang relasyon natin o sa relasyon mo sa dati mong kasintahan? Kaya tayo lumipat dito para ilayo kita sa kanya, ikaw mismo nagsabi sa akin na ilayo kita sa kanya, ano ‘to? Bakit nahuli ko kayo? Wag mong sabihin na namasyal lang kayo sa loob ng motel!?” Nanggagalaiting sigaw ni Jude na lalong nagbibigay tensyon kay Dessa. “Patawaran mo ako!” Hindi na niya ang sasabihin dahil alam niya kong ano ba ang kasalanang ginawa niya. Walang nagawa si Jude kong di ang maupo sa sahig at mag-iiyak din. Naging bulag siya sa pagmamahal niya sa kasintahan na akala niya ay mamahalin din siya nito ng tapat, “saan ba ako nagkamali Dessa, saan ba ako nagkulang sayo, mahal naman kita ah, hindi pa ba sapat ‘to, mas gusto mo pa ba siyang kasama sa kama kesa sa akin, mas masarap ba siyang humalik, sabihin mo sa akin, as mahal ka ba niya kesa sa mahal na binibigay ko sayo.” “Sorry Jude, sorry,” iyak ng iyak ang dalawa sa loob ng silid. *** Malinaw pa kay Jude ang alaalang ‘yon sa kanya kahit isang taon na ang nakakalipas, dinilat niya ang mga mata, wala pa ring nagbago sa dati niyang silid, bumalik siya sa realidad nang may kumatok sa pintuan, lumapit siya roon at binuksan ang pintuan. Kaharap niya ngayon ang sekretarya niya sa opisina na inutusan niyang kumuha ng interior designer at um-order ng mga bagong gamit na pangpalit sa ibang bagay sa bahay. “Ilang oras lang po sir Jude at maayos na po ang bahay ninyo, may kailangan pa po ba kayo?” “Nakakuha na ba kayo ng bagong katulong sa bahay?” Tanong niya sa sekretarya. “Yes sir, darating po siya ngayong araw mga ala-una po,” sagot nito sa binata. “Mabuti kong may meetings ako ngayong araw o kikitain, mas maganda na i-cancel mo muna lahat yan at gusto kong magpahinga, kong dumating man yong bagong katulong sabihin muna ang dapat niyang gawin, gusto bago ako bumaba ayusin na ang bahay at luto na ang hapunan ko, ituro mo rin sa kanya kong ano ba ‘yong magiging silid niya dito.” Paliwanag ni Jude. “Masusunod po sir,” saka umalis ng silid ang sekretarya niya. Muling sinara ni Jude ang pintuan at hinubad ang suot na coat bago siya humiga sa kama, pinikit niya ang mga mata hanggang sa lamunin siya ng antok dahil sa pagod. Wala siyang pinapakitang emosyon sa kahit na sinong nakakaharap niya, para bang nagbago ang lahat ng mangyari ‘yon sa buhay niya, ng mamamatay ang kasintahan niya para bang kumuha na rin ang buhay niya, ang dami niyang pinagdaanan, maraming nagbago, kahit na pinagkamalan siyang suspek sa pagkamatay ng kasintahan niya, hindi pa rin niya maiwasang mapaisip, lasing siya ng gabing ‘yon kaya wala rin siyang maalala, pero alam niya sa sarili niya na hindi siya ang pumatay kay Dessa, kaya siya bumalik para mahanap ang tunay na salarin. *** Magkakalahating oras nang nakatayo si Grace sa harapan ng Gate sa mismong sinasabing Gray House, marami siyang nalaman tungkol sa bahay at lalo na sa kanyang magiging amo. Hindi niya inaasahan na kailangan niyang maging katulong ng isang suspek. “Ano ba yan, nakakainis naman si Kuya Nathan, hindi pa naman ako um-oo sa gusto nila, kahit sabihin nilang babayaran nila ako ng 5,000 kada linggo, hindi pa rin sapat na dahilan ‘yon para magtrabaho ako dito, hindi ba sila natatakot na baka psycho ang Jude na ‘yon at ako naman ang isunod,” bulong niya sa kanyang sarili. “Kailangan kong bantayan ang suspek sa loob ng isang buwan sa halagang 5,000 kada linggo, isusugal ko lang buhay ko, pwede na akong maging bayani,” biro niya sa sarili. Huminga siya ng malalim dahil wala naman siyang magagawa, na andoon na rin naman siya, ang kailangan na lamang niyang gawin ay mag-ingat. Pinindot niya ang doorbell sa labas ng gate, ilang beses niyang ginawa ‘yon hanggang sa magbukas ang malaking pintuan ng bahay, lumabas doon ang isang babaeng naka-corporate attire at may hawak na tablet sa kanang kamay nito. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siyang nilapitan kahit na pagitan nila ay gate, “magandang umaga ako po pala si Grace Montez,” pakilala niya sa babae. “Ikaw ‘yong babaeng pinadala ng agency bilang housekeeper,” aniya nito, “ako si Sheila ang sekretarya ni Sir. Jude ang magiging amo mo, buti naman at dumating ka na kahit na late ka ng 30 minutes, marami pa tayong pag-uusapan.” Pinagbuksan siya ni Sheila ng gate, sumunod naman siya sa loob hanggang sa makapasok sila sa mismong loob ng mansyon, agad na namangha siya sa ganda ng loob lalo na ang mga gamit, halatang mayaman ang nakatira sa mala-mansyon na bahay. Sumusunod lang si Grace kahit saan magpunta si Grace, marami rin siyang nakikitang nag-aayos at nagbubuhat ng gamit, napaisip siya na mukhang nililinis ang Gray House, ang pagkakaalala niya ngayon lang uli nakabalik si Jude sa bahay na ‘yon. Huminto sila sa dining area ng bahay, nilapag ni Sheila ang puting folder na naglalaman tungkol kay Grace, laking gulat ni Grace ng buklatin ito ni Sheila at laman doon ang resume na may picture niya. Walang naalala si Grace na gumawa siya ng kahit na anong resume, napaisip siya na baka pakana ito ni Nathan at mga kasamahan nito na nag-utos sa kanya, wala lang siyang ideya kong paano ito nagawa nila Nathan ng ga’nun kadali. “Walang imposible,” bulong niya. “May sinasabi ka?” Tanong ni Sheila sa kanya. “Huh, wala naman,” sabay ngisi ni Grace. “Ito ang listahan ng mga gagawin mo dito araw-araw---” Natigilan si Sheila nang biglang magsalita si Grace. “Teka tanggap na ba ako dito, wala munang exam o kaya interview?” Biglang pagtataka ni Grace. “Hindi na kailangan dahil simula ng ibigay ng agency na humahawak sayo ang pangalan mo, ibig sabihin sigurado silang gagawin mo lahat na iutos sayo,” anya ni Sheila. ‘Agency, paano nangyari ‘yon?’ Tanong ni Grace sa kanyang isipan. “Ito ang listahan ng mga gawain mo sa bahay,” sabay abot kay Grace ng isang papel kong saan nakalista doon ang oras ng paggising niya, kong magkano ang sasahurin niya at mga gawain. “Dahil mag-uumpisa ka rin ngayong araw, mas maganda na bago bumaba si Sir. Jude dapat luto na ang hapunan niya.” Hindi siya masyadong nakatuon sa sinasabi ni Sheila kong di sa mga numerong nakasulat sa papel lalo na sa magiging sahod niya na 10,000 kada buwan, iniisip niya na hindi na ito masama. “Pero na saan naman si Sir. Jude?” Tanong niya kay Sheila. “Nasa taas siya at hindi kailangan istorbuhin ngayon dahil nagpapahinga siya, sumunod ka sa akin at ipapakita ko sayo ang magiging silid mo,” saad ni Sheila kaya sumunod na naman si Grace palabas ng dining area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD