Chapter 4

1500 Words
IV Laking pasalamat ni Jude nang magising siya sa masamang panaginip na paulit ulit na lang siyang dinadalaw. Ramdam niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya, bumangon na siya at agad na naligo sandali para makapaghapunan na siya kahit na mag-gagabi pa lang. Pagkatapos niyang maligo, nagbihis siya ng simpleng puting pajama at v-neck shirt na kulay itim, hinayaan niyang tumulo ang tubig sa damit niya na nang gagaling sa basang buhok niya. Pagkalabas niya ng silid ay agad na bumungad sa kanya ang napakatahimik na bahay, pero wala siyang pake alam. Naglakad siya sa pasilyo bago siya nakarating sa hagdan, pagbaba naman niya, nakita niya ang bagong ayos at gamit sa loob ng bahay dahil na rin sa utos niya. Una niyang pinuntahan ang dining area, pero imbes na pagkaing nakahain ang makita niya, malinis na lamesa ang bumungad sa kanya. Natigilan siya sa harapan ng lamesa at napakunot-noo, unang pumasok sa isipan niya na hindi pa dumating ang katulong na pinapadala niya para sa bahay. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang sekretarya niya. Isang beses nag-ring sa kabilang linya bago may sumagot na boses babae, “sir, may kailangan po ba kayo?” “Ms. Sheila, akala ko ba na andito na sa bahay ang sinasabi mong katulong?” Pagtataka niya sa sekretarya. “Sir kanina pa po siyang 1:30 dumating sa bahay, sinabi ko na po sa kanya ang kailangan niyang gawin at binigyan ko na rin po siya ng listahan ng gawaing bahay.” Paliwanag nito sa kabilang linya. Hindi na sumagot pa si Jude at binabaan ng tawag ang sekretarya, muli niyang binalik ang cellphone sa bulsa. Lumabas siya ng dining room at naglakad sa kanang pasilyo sa gilid ng hagdan, huminto siya sa nag-iisang pintuan doon at agad na kinatok ng kinatok, doon niya kasi tinuro kong saan pwedeng tumuloy ang magiging katulong. *** Naglalaway at nakanga-nga pa si Grace habang mahimbing natutulog, simula kasi ng dalhin siya roon ni Sheila naghintay siya roon na matapos ang pag-aayos sa sala, ni hindi man lang siya ginising kaya nakatulog siya sa kakahintay sa loob ng magiging silid niya. Agad siyang napabangon dahil sa gulat ng may kumakalampag sa pintuan ng silid niya. Gusot-gusot ang damit at gulo-gulo pa ang buhok niya nang lumapit siya sa pintuan, laking gulat niya na isang lalaking nasa harapan niya, basa pa ang buhok lalo siyang natigilan ng tignan siya nito ng masama kahit na gwapo ito sa paningin niya. “Sino ka!?” Sigaw niya sa lalaking ka harap. “Kong hindi ako nagkakamali ikaw ang bagong katulong na sinasabi ni Ms. Sheila, hindi mo ba kilala kong sino ang amo mo?” Walang emosyong tanong ng lalaki sa kanya. Napaisip siya saglit at napagtanto kong ano ang pakay niya at kong sino ngayon ang kaharap niya. Unti-unting nang laki ang mata niya, “Jude ay este sir Jude gising na po pala kayo! Ako po ‘yong katulong na kinuha ninyo, ako po si Grace.” Kinabahan na siya ng maalala niya kong ano ba ang kailangan niyang gawin bago magising si Jude sa pagpapahinga, “naku patay, excuse po sir.” Bahagya niyang naitulak si Jude para makadaan siya, pero bigla rin siyang nahinto sa pagmamadali at muling bumalik sa harapan ng binata, wala pa rin siyang makitang emosyon sa mukha nito. “Sir sorry po talaga kasi po, hindi na po ito mauulit---” Natigilan siya ng wala pa rin pake ang binata sa sinasabi niya, huminga siya ng malalim, “sir ano pong hapunan ang gusto ninyo?” “Ikaw na ang bahala pero dapat magawa mo sana within 45 minutes,” saad ng binata saka ito naglakad hanggang sa lagpasan siya nito. Nanatiling nakatayo si Grace sa puwesto niya, sa malamig na pakikitungo sa kanya ng binata, ang mga titig nito na walang emosyon at idagdag pa na suspek ito sa pagkamatay ng kasintahan nito ang nagbibigay sa dalaga ng matinding kaba sa una pa lamang nilang pagkikita. Bago pa man matapos ang oras na binigay sa kanya ay agad na siyang tumungo sa kusina para makapag-umpisa na siya, simpleng adobong manok at nag-saing agad siya. Habang hinihintay naman niyang maluto ang hapunan ng amo ay siya namang pag-aayos niya ng gagamiting plato at mga kutsara ng binata. Habang ginagawa niya ‘yon biglang sumagi sa kanyang isipan ang isang bagay, ‘isa siyang suspek, pero hindi bagay sa tindig at amo ng mukha niya,’ sabay iling-iling niya, ‘tama hindi dapat ako magpalinlang sa nakikita ko at naririnig, na andito ako para bantayan siya, kailangan ko lang gawin eh mag-ingat.’ Natigilan siya sa pagtatalo ng isipan niya ng marinig niya ang boses mula sa bukana ng dining room. “Tapos na ba,” napaharap siya kay Jude na siyang papalapit sa kanya. ‘Kalma Grace, played it cool sabi nga nila diba,’ binigyan niya ng pinakamatamis niyang ngiti na madalas niyang ipakita kay Nathan, “mga ilang minuto na lang po matatapos na po siya.” Naglakad papalapit sa kanya si Jude hanggang sa magkaharap na sila, ni hindi umimik ang dalaga at napalunok. “Anong ginagawa mo?” Tanong ni Jude kaya napatingala siya sa binata. “Huh?” Pagtataka naman ni Grace. “Tabi, uupo ako,” napalayo si Grace sa lamesa ng sabihin ‘yon ni Jude. Para hindi masermonan ng amo ay agad na siyang bumalik sa kusina, ramdam niya ang kaba ng puso niya, “jusko, mamamatay ata ako ng wala sa oras,” bulong niya. Tinuon na lamang ng dalaga ang sarili sa pagluluto at pagkatapos n’un ay agad niyang hinihain ang niluto niya sa binata. Nanatili siyang nasa loob ng silid sa likuran ng inuupuan ng binata habang kumakain ito, baka sakaling kailangan siya nito ay agad siyang magagawa kong anuman ang iutos sa kanya. Natapos ang binata na nakatayo lang siya sa likuran nito at pinapakinggan ang pagtama ng kutsara sa plato, Lumapit siya sa binata, “sir may kailangan pa po ba kayo?” Tanong ni Grace kay Jude. “Wala na, bago ka magpahinga, gusto ko tapusin mo muna ang mga gawain mo ,” saad ni Jude. “Yes sir, pero sir may gusto po sana akong sabihin,” aniya ni Grace. “Anu naman ‘yon?” Nagtama ang mga mata ng dalawa ng tumingala si Jude sa dalaga na nakatayo pa rin hanggang ngayon. “Kong pupwede po eh uuwi muna ako sa amin, babalik po ako bukas ng umagang-umaga, promise po para maihanda ko kayo ng agahan,” sabay taas ng kanang kamay na agad din niyang binaba ng dalaga, “hindi po kasi ako nakapaghanda ng gamit ko dahil biglaan, naiintindihan ko pa na stay in ako sa bahay na ito, sorry po uli sa nangyari kanina at na huli po ako sa pagluluto ng hapunan ninyo.” “Ayos lang basta tapusin mo muna ang trabaho mo dito at makakauwi ka na,” sambit ng binata saka ito umalis sa kinauupuan at lumabas na ng dining room. Nakahinga naman ng maluwag si Grace ng hindi na niya kaharap ang binatang amo, “buti naman at hindi istrekto,” bulong niya saka inumpisahan na gawin ang trabaho niya. *** Isang oras na ang nakakalipas simula ng bumalik si Jude sa silid niya, sa mga oras na ‘yon alam niyang tapos na ang trabaho ni Grace at iniisip niyang nakauwi na ito, pero kahit ga’nun ay hindi pa rin siya makatulog, ito na naman ang gabing matutulog siya sa mismong silid kong saan namatay ang kasintahan, bagay na hindi nawawala sa kanyang alaala. Walang nakakaalam kong ano ba ang nararamdaman niya, iniisip niyang mas maganda nang ga’nun ang ipakita niya sa lahat na kunwari’y wala siyang pake alam sa nangyari, para sa kanya mas makakabuting walang makakaalam kong ano nga ba ang tunay niyang nararamdaman, na kahit minsan ay gusto niya ng may makakausap dahil sa tingin niya wala namang makakaintindi sa kanya, iisipin na isa siyang mamamatay tao. Dahil din ng lahat ng tao ay mapang husga, kahit sabihin mo na hindi siya ang gumawa ng isang bagay, ipagpipilitin pa rin sa isipan ng mga nakakakilala sa kanya, na ga’nun siya, na siya mismo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. Natigilan siya sa pag-iisip ng may marinig siyang ingay mula sa labas ng silid niya, nanatili siyang nakahiga sa kama niya at pinapakiramdaman ang paligid. Muli niyang narinig ang ingay mula sa labas kaya napabangon na siya sa kama, lumapit siya sa pintuan at binuksan ito. Tinignan niya ang pasilyong napakatahimik, “may tao ba dyan! Grace na andyan ka pa ba?!” Walang sumasagot nang bigla na namang ingay ang kanyang marinig, nagmadali siyang lumabas ng silid at nang makarating siya sa may hagdan, laking gulat niya ng makita ang basag na vase sa sahig na sinadyang malaglag sa lamesa nitong pinagpapatungan na ngayon ay nakatumba na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD