Chapter 5

930 Words
V Tahimik na pinagmamasdan ng isang binatang naka-jacket na itim sa loob ng isang bar ang nag-iisang dalaga na walang imik sa gilid ng madilim na parte ng gusali, tahimik itong umiinom ng alak, lumapit ang binata sa dalaga ng hindi magtagal, wala pa ring imik ang dalaga kahit na katabi na niya ang isang estranghero. “Mukhang nag-iisa ka lang,” bulong ng binata sa dalaga. Walang nakakapansin sa kanilang dalawa lalo na’t may kanya-kanyang ginagawa ang mga na roon, sayawan at sigawan ang makikita sa loob ng madilim na bar at malilikot na ilaw na kong saan nakakabit sa kisame. Walang imik ang dalaga kaya napangisi ang binata, dahil madali na lang sa kanya na tapusin ang trabaho niya. Mula sa malilikot na ilaw, minsa'y tumatama sa mukha ng dalaga kaya nakikita ng binata kong anong itsura nito, lalo siyang natuwa ng sakto ang hinahanap niya. "Ikaw ngayon ang magiging Wendy sa gabing ito," bulong niyang muli, wala na siyang pake alam dahil hindi naman na siya na iintindihan ng dalaga. *** Sumagi sa isipan ni Jude ang ingay kagabi at ang ingay na madalas ireklamo sa kanya ng namayapang kasintahan. Kong dati hindi niya ito napapansin ngayon ay oo na, wala siyang imik habang tinatali niya ang neck tie, maaga rin naman dumating si Grace sa bahay na siyang naghahanda ng agahan niya ngayon. Kesa na maubos ang oras niya sa pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi ay agad na lamang siyang tumungo sa dining room, nakahain na ang agahan niya sa lamesa. "Magandang umaga po sir Jude," tumango lang si Jude sa bati sa kanya ng dalaga. Gusto niyang itanong kay Grace sa ingay na nangyari kagabi at kong may alam ba ito, pero minabuti niyang tumahimik habang nag-aagahan. Nasa likod lang niya si Grace, gusto man niyang lingunin o kausapin tungkol sa dalaga ay hindi niya magawa, natapos siya sa pagkain na walang ingay kong di ang mga kutsarang tumatama sa plato, pagtayo at papalabas na ng dining room ng tawagin siya ni Grace. "Sir Jude," humarap naman siya sa direksyon ng dalaga na ngayo'y may hawak ng bag, hindi niya alam kong para saan 'yon. Lumapit ito sa kanya at inabot sa kanya ang bag kaya kinuha niya, "para saan 'to?" Tanong niya. "Sir baon ninyo po, kompleto na po yan, may ulam, kanin at tubig," sagot ni Grace habang nakangiti. "Hindi ko kailangan 'to," wala niyang emosyon na saad. "Naku sir kailangan ninyo yan, kahit sabihin nating mayaman kayo at may pagkaing nakahanda sa opisina ninyo mas maganda sigurong may pang sigurado kayo, para hindi po kayo magutom at hindi kayo manghina sa trabaho, sige na sir kunin ninyo yan, sayang naman," sabay muling ngiti ng dalaga. Nagkipit-balikat na lamang siya at lumabas ng silid dala-dala ang bag na lamang baon na siyang inihanda ng dalaga para sa kanya. *** Pinagmasdan ni Grace ang papaalis na kotse ng kanyang amo, napangiwi na lamang siya ng maalala niya kong paano makipag-usap sa kanya ang binata, animoy nakikipag usap siya sa isang robot. Pabalik siya sa loob ng may maramdaman siyang kakaiba, animoy may matang nakamasid sa mga kilos niya, bahagya siyang kinabahan, umiling-iling dahil alam niyang siya na lamang ang natitira sa bahay. Inumpisahan na niyang magligpit ng pinagkain ng binata, habang naghuhugas siya sa lababo isang ingay ang narinig niya, hindi niya malaman kong saan ito nang gagaling pero para itong kuko na kinukusot sa pader. Kakaibang kilabot ang kanyang naramdaman, ang lakas ng kalabog ng dibdib niya, pero muli niyang binalik ang ginagawa, "ay!" Sigaw niya sa gulat ng may marinig siyang kalabog sa labas ng kusina, sa mismong dining room, iniwan niya ang ginagawa at nagmadaling pumunta sa dining room, gulat na gulat siya ng makita ang dalawang upuan na nakatumba sa sahig. Pinakiramdaman niya ang sarili, muli na naman niyang narinig ang ingay, pero sa pagkakataon na ito malinaw na sa kanya at alam na niya kong saan ito nang gagaling. Naglakad siya papalapit sa pader, kong saan nang gagaling ang kaluskos, tinapat niya ang kanang tenga sa pader, bigla na lamang nawala ang ingay, "jusko ano ba 'tong nangyayari sa akin?" Tanong niya sa kanyang sarili. Lumapit siya sa dalawang upuan na natumba at ibinalik ito sa dating puwesto. Muli siyang sumulyap sa paligid at saka siya nagbalik sa paghuhugas. *** May nireklamo kila Nathan na nawawalang isang dalaga na nagngangalang Marlee, iyak ng iyak ang mga barkada nitong babae at mukhang menor de edad pa, doon na rin 'yon nagpa-umaga dahil sa nangyari. Ang dalagang nawawala ay may tattoo sa dibdib na isang start, may kulay pulang buhok at maraming earings sa magkabilang tenga. Hindi magkamayaw sa ingay ang limang dalaga dahil hindi pa rin nahahanap ang kaibigan nito. "Tumahimik nga kayo, kong hindi kayo tumakas sa mga magulang ninyo, hindi 'to mangyayari sa kaibigan ninyo, wala sana kayong problema, hindi kayo iiyak dito," pagpapangaral ni Austin sa limang dalaga na hangga ngayo'y humahagulgol pa rin. "Tumigil ka nga dyan Austin," saway ni Nathan sa mga binata. "Mga pasaway," bulong ng binata. "Kumusta na? May lead na ba sa pagkawala ng dalaga?" Tanong ni Nathan sa binata. "Meron na detective, ang sabi sa mga nakakita, may isang lalaki raw ang huling nakasama ni Marlee pero hindi raw nakita ang mukha nito at sumakay daw ito sa isang taxi, isa pang problema hindi pa na plakahan ang kotse, kaya hindi pa alam kong saan kami mag-uumpisa, pinatawag na rin po ang mga magulang ng mga dalaga lalo na po ang magulang ng nawawalang si Marlee," paliwanag ni Austin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD