Chapter 6

1970 Words
HINDI napigil ni Azrael ang kaniyang emosyon nang makita ang walang buhay na katawan ng kaniyang ninong. Zoren was like a seond father to him, and they had a lot of good times together. Kung tutuusin ay mas gusto pa niya itong ka-bonding kumpara sa daddy niya. Nang makita ang malaking sugat sa leeg ng ginoo ay wari pinipilas din ang kan’yang puso sa sakit. Napuno na ng luha ang kaniyang mga mata at tuluyang dumaloy sa kaniyang pisngi. Napayakap siya sa walang buhay na katawan ng ginoo at humagulgol. Nangatal ang katawan niya sa labis na emosyon at pighati. Pagkatapos ang daddy niya, ninong naman niya ang pinatay. Hindi pa siya naka-move on sa sakit ay may kasunod na. “I promised you, I will avenge you at all cost,” he said eagerly while clenching his jaws. Lalong nadurog ang puso niya nang makita ang bunsong anak ng kaniyang ninong. Sampung taon pa lang ito, lalaki. Iyak ito nang iyak sa harap ng yumaong ama. Mariin niyang ikinuyom ang mga palad at lumabas ng silid. Sinalubong siya ni Jerico. Active police ito at nagtatrabaho rin sa security and investigation agency ng ninong niya. Malaki ang investment ng daddy niya sa agency kaya doon sila kumukuha ng tauhan for their security. Ngayong wala na ang ninong niya, obligado siyang tumulong sa management ng agency. Babae ang panganay ng ninong niya at isang guro. Ang pangalawa naman ay lalaki pero nag-aaral pa lang ng abogasya. Pangalawang asawa na nito ang kasama dahil namatay ang una. Nagkaanak pa ito ng isang lalaki. “Sir, ano na ang gagawin natin? Matitingga ang operasyon ng agency dahil wala na si Inspector. Kailangan ng agarang turnover sa new officials,” nababahalang sabi ni Jerico. “I will summon the meeting tomorrow after lunch. Inform your men to cooperate,” he said. “Yes, sir! Naisip ko lang. Hindi po kaya iisang tao lang ang nagpapatay kay Inspector at sa daddy n’yo?” Matiim siyang tumitig kay Jerico, at naniniwala siyang tama ito. “I guessed, too.” May isa pa siyang suspect, si Cassy. Matindi ang galit nito sa kan’ya at sa daddy niya dahil sa pag-cancel ng marriage agreement sa pamilya nito. She will target all people close to him. He also thought about his father’s rival in politics. “Mag-a-assign po tayo ng agents na tututok lang sa kaso ng daddy n’yo at ni Inspector. Mas mabilis ang proseso kung hindi tayo nakadepende lang sa pulis. I’ll gather some details in our station regarding the incident,” ani Jerico. “Do your best, Jerico. I’ll call you tomorrow before the meeting.” “Yes, sir!” Pinuntahan naman niya ng asawa ng kaniyang ninong na kausap ng mga pulis sa lobby ng ospital. Tulala pa rin ito at halos hindi makausap nang maayos. Maaring nasaksihan nito kung paano pinatay ang asawa nito kaya nasa ilalim pa ng trauma. Tinabihan niya sa bench ang ginang. Nakilala naman siya nito kaagad at biglang humagulgol, napayakap sa kan’ya. “Nakilala n’yo po ba ang pumatay kay Ninong?” tanong niya rito. Kumalas naman ito sa kan’ya at nagpunas ng panyo sa pisngi. “Babae siya,” anito. Nagimbal siya. “Babae? Paano siya nakapasok sa kotse n’yo?” “Hindi siya pumasok. Kumatok lang siya sa bintana ng kotse at sinabi sa asawa ko na flat ang gulong ng kotse sa likuran. Hindi ko namalayan ang ginawa niya. Nagulat na lang ako, nahiwa na niya sa leeg ang asawa ko,” humihikbing kuwento nito. “Ano po ang hitsura ng babae?” usisa niya. “Hindi ko nakita kasi may suot siyang mask at eyeglasses. Kulot ang buhok niya na blonde, magulo. May gloves din siyang suot, naka-jacket na pula. Maputi siya, balingkinitan kaya hindi mo iisiping papatayin niya ang asawa ko. Malumanay naman siyang magsalita.” Nabaling ang atensiyon niya sa lumapit na lalaking pulis. “Mukhang skilled assassin ang pumatay kay Inspector. She can kill her target in close contact, even in a critical situation,” sabi nito. He clenched his fist and thought about the killer. Kung babae ito, mahirap itong mahuli. Women assassins are more versatile than men because of their alluring charms that easily capture the target’s attention. Aware siya na may mga mafia organization sa bansa na merong skilled assassin, katulad ng pamilya ni Cassy. The reason why his dad canceled his agreement with Cassy’s father was because of the fact they discovered. His dad found out that Cassy’s father was a mafia leader. Late na rin niya iyong nalaman at nagsisi siya bakit ang rupok niya sa babae. Maybe someday, he will be killed by a woman, too. PASADO alas dose na ng hating gabi pero dilat pa rin ang mga mata ni Angela. She took a nap, pero hirap na siyang magpatuloy sa pagtulog. Hindi niya maintindihan bakit kailangan niyang maapektuhan nang malamang ninong ni Azrael ang pinatay niya. Wala siyang ideya kung gaano ka-close si Azrael sa ninong nito. Hindi naman nito kadugo ang taong ‘yon, at wala siyang pakialam sa bond na meron ang mga ito. She should ignore it to move on. Marami pa siyang magiging misyon sa Assassin’s Club sa nalalabing tatlong taong kontrata niya. Nang hindi pa rin siya makatulog ay lumabas siya ng kuwarto hanggang makarating siya sa hardin. Naglakad-lakad siya sa pathway patungong swimming pool. Nagbukas siya ng video call sa kapatid niya’ng lalaki upang kumustahin ang status ng mga ito sa Japan. College na si Hiroshi at ito ang inaasahan niya sa paghawak ng pera. “Kon'nichiwa? Okāsan wa dōdesu ka?” (Kumusta? Kumusta si Mama?) tanong niya sa kapatid. “Okāsan wa ima wa kaifuku-chūdesu. Nyūin ni wa sarani nissū ga hitsuyōdesu,” (Nagpapagaling na si Mama. Kailangan pa namin manatili nang ilang araw sa ospital) tugon naman ni Hiroshi. “Watashi wa ureshī. Ashita okane o okurimasu. Hikitsudzuki saishin jōhō o oshirase itadakemasu ka?” (I’m, glad. Magpapadala ako ng pera sa ‘yo bukas. Puwede mo ba akong bigyan ng update palagi?) “Hai, Onēsan. Arigatō!” (Oo, Ate. Thank you!) She ended the call and went back inside the house. Kinabukasan ng umaga ay umalis na naman ng bahay si Angela pero nagpaalam sa parents ni Lyka. May driver siya at nagpahatid lang siya sa condo. Wala roon si Lyka pero may card naman siya at nakapasok sa unit. Nagpalit siya ng damit, nagbihis lalaki at nagsuot din ng wig. She had stuff to disguise. Binilhan na siya ni Lyka ng motorsiklo at nasa parking lot. Hindi siya pinansin ng bodyguards at driver na nasa parking lot. Akalain ng mga ito na lalaki siya. Nag-drive siya patungong headquarters para mag-report. Pagpasok sa opisina ng director ay saka lamang siya nagtanggal ng wig at sunglasses. Ibinalik niya rito ang envelope ng files ng katatapos niyang misyon. Eric stared at her eyes intently while his fingertips tapped on the table. He also swayed his body while sitting on the swivel chair. “You never fail to amaze me, Angela,” he said huskily. Eric has a baritone voice, so manly that every woman in their organization adores, except her. She just felt curious about his mysterious personality and dominant appeal. “I want a break,” she said. “As you wish, but tell me the reason for your leave. Is it about your ill mother again?” “That’s one of the reasons. I need another job to support my family.” “You mean, you got another job?” “Yes.” Umalon ang dibdib ni Eric. Humalukipkip ito. “Alright. You can take a break but don’t exceed more than a month. You have a lineup mission here.” “I understand. I have to go.” Walang imik si Eric kaya tinalikuran niya. Muli siyang nagsuot ng wig at salamin sa mga mata. Bumalik din siya sa condo ni Lyka, saktong naroon na ito. May inasikaso pala itong papeles. Nagulat pa ito nang makita siya. “My God! Is that you, Angela?” bulalas nito, napahawak pa sa dibdib at hinapo. Inalis niya ang kan’yang wig at naghubad ng itim na jacket. “What’s the matter?” aniya. Nilagpasan niya ang kapatid. “Akala ko pinasok na ng magnanaw ang condo ko. Saan ka ba nanggaling? Sa headquarter ng mga assassin?” Sinundan siya nito hanggang sa kusina. “I’m hungry. Do you have food?” tanong niya, hindi pinansin ang tanong ni Lyka. “Kararating ko lang at bumili na ako ng food. Buksan mo ang paper bag at ilabas ang pagkain.” Nilapitan naman niya ang bag sa may lamesa at inilabas ang laman nitong pagkain. Nauna na siyang kumain. Hindi siya umaasang magkikita sila ni Azrael sa gabing ‘yon kaya wala siyang balak umuwi. Inasikaso niya ang pera na ipapadala kay Hiroshi. Nag-transfer siya ng pera direct sa bank account ni Hiroshi gamit ang online wire transfer. Dollar account lang ang nai-save ni Lyka dahil kailangan nito ng puhunan sa negosyong itatayo sa London. Ang peso savings nito at credit cards ay iniwan na sa kan’ya. Regular umano iyong hinuhulugan ng daddy nito. Pagkatapos kumain ay natulog pa siya. Ngunit pagsapit ng alas singko ng hapon ay inabala siya ni Lyka. “Angela, kailangan mo na umuwi. Tumawag si Mommy sa phone ko at sinabing maghanda ka na kasi aalis kayo. Pupunta raw kayo sa burol ng ninong ni Azrael,” ani Lyka. Napabalikwas siya ng upo. “Hindi ako pupunta,” mariing sabi niya. “Ano? Magdududa na lalo sila Mommy niya, eh. Umayos ka nga! Tayo na riyan!” Hinatak na siya nito sa kanang braso at pinilit na makatayo. Tumayo naman siya at pumasok ng banyo. Mabilisan siyang naligo dahil inaapura siya ni Lyka. Mabigat ang katawan niya at hindi niya maintindihan bakit siya nanghihina. She will go to see her target’s burial, and it's her first time to witness those relatives mourning for their loved one’s death. She should not be affected. Umalis din siya kaagad matapos magbihis. Naghihintay na ang parents ni Lyka sa bahay, nakabihis na rin, parehong nakaitim ng kasuotan. She also wore black denim pants and a blouse. Iisang kotse lang ang ginamit nila patungong funeral homes kung saan nakaburol ang kaniyang target. Naabutan nila si Azrael na nakaupo sa gawing kaliwa ng ataul. He’s wearing a black suit, as dark as his aura. Naroon din ang kaanak ng namatay. Tumayo lang siya sa gawing kaliwa ng pintuan at pinagmasdana ng parents ni Lyka na sumilip sa kabaong. Napansin na siya ni Azrael at napatayo ito, humakbang patungo sa kan’ya. Mugto pa ang mga mata nito, halatang matindi ang iyak at sinamahan ng puyat. “Thank you for coming, Lyka. Sorry if we can’t have a private dinner tonight,” anito. “It’s okay,” tipid niyang wika. “Come with me.” Akmang hahawakan siya nito sa kanang kamay ngunit dumestansiya siya. “Just walk; I’ll follow,” aniya. Matabang na ngumiti si Azrael pero naglakad din pabalik sa ataun. Sumunod siya sa binata pero hindi siya sumilip sa loob ng ataul. Tumayo lang siya sa gawing kaliwa ni Azrael habang ito’y nakatingin sa loob ng kabaong. “He’s my godfather, my father’s friend and business partner. He’s like a father and best friend to me, and losing him was like breaking my heart into tiny pieces. His death was not acceptable, and I won’t stop finding justice for him. Kinuha ko pa siyang ninong sana sa kasal natin, and I saw how happy he was when I announced my upcoming wedding. He’s also my mentor.” Bumaba ang tingin niya sa kamao ni Azrael na mariing kumuyom. His guilty emotions are shown there, expressing how heavy the pain was. Should she feel guilty about killing her fiancé’s godfather?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD