Chapter 5

2028 Words
MATAPOS ang kalahating araw na tutorial kay Lyka ay nag-report si Angela sa local headquarters ng Assassin’s Club sa Quezon Avenue. May training ground sila roon para sa martial arts at self-defense, pero ang firing range at ibang pasilidad ay nasa Tanza Cavite. Bihira bumibisita roon ang big boss nila at tanging local director ang nagmamando sa kanila. Dito ibinababa ng big boss ang utos sa kanila. Naipasa na umano roon ang mga susunod niyang misyon. Sinalubong siya ni JK sa lobby. “I’m glad you came. Mr. Chao is waiting for you in the office,” sabi nito. Si Mr. Eric Chao ang local branch director nila, isang American-Chinese ex-military and also an assassin. Pinsan nito si JK na may dugong pinoy. Pinay ang nanay nito at matagal ding tumira sa Pilipinas. Ka-batch niya si JK na pumasok sa club, sabay rin silang nagsanay. “May ideya ka ba sa misyon ko?” tanong niya. Sabay na sila nitong pumanhik sa hagdanan. “I think it’s still related to your failed mission,” anito. Mariing kumunot ang kan’yang noo. “About the gunman who bypassed my mission?” “Hm, sort of.” Nakabukas ang pinto ng opisina ng director kaya pumasok na sila. Sinamahan naman siya ni JK dahil palagi sila ang parters sa trabaho. “Good evening, sir!” bati niya sa director. She hasn’t seen Eric Chao’s whole face yet. He’s always wearing a black eagle mask that almost covers his face, and only his eyes are exposed. She’s always admiring his light blue eyes. She loves everything in blue. Nag-angat ng mukha ang lalaki. Bago na ang hairstyle nito, hindi na magulo. Clean-cut na ito kaya luminaw sa kan’ya na bata pa ito. Halata naman sa katawan nito at balat na hindi nalalayo ang edad nila. “You finally showed up,” Eric said. Binato nito ng tingin si JK, sumenyas na pinalalabas ang binata. Nakuha naman ni JK ang ibig nitong sabihin kaya kaagad lumisan. Lumuklok siya sa silyang katapat ng lamesa ni Eric. Pagkuwan ay tumitig siya sa inilapag nitong envelope sa kaniyang harapan. Binuksan niya ang envelope. Nakapaloob dito ang larawan at detalye ng susunod niyang target. “Your next target is Zoren Alferos, an active police officer,” sabi nito. “What is his connection to my failed target?” usisa niya. “He’s your previous target’s friend. Our client wanted to kill that man who put his son in jail and killed him there. All details are listed in the files.” Binasa niya ang ibang detalye. “How close is he to Mr. Montel?” she asked. “I don’t have an idea. Just do your job, and stop asking for some personal details of the target. I need a positive result before lunch tomorrow.” She stared at Eric intently. “Why so rush?” Umingos ang lalaki. “Hm, it seems you are complaining.” “I’m not. You passed this mission to me on the spot. And you are expecting a positive result in less than twenty-four hours. Are you pressuring me?” Humalukipkip ang lalaki. “I never heard you complain in all your missions, Angela, just now. What happened? Are you up to something more important than your current job?” Inusig na siya nito. She took a deep breath. “I have family, too, Director.” “You are working here for your family. Without this job, you can do anything to survive your family. You may leave. My order is final.” She gritted her teeth but couldn’t complain anymore. Tumayo na lamang siya at lumisan dala ang folder. Palabas na siya ng gusali nang harangin siya ni JK. “Kumusta?” tanong nito. “I’ll leave to kill my target,” sabi niya lang. “Do you need backup?” “No need.” Nilagpasan niya ang kausap. “Kung iyong police official ang target mo, you really need backup, Angela.” Huminto siya sa paghakbang at pumihit paharap kay JK. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kahit hindi niya kailangan ng backup ay palagi itong nagbuboluntaryo. “I appreciate your concern, JK, but I don’t want anybody involved in my mission. I don’t want someone to look after me while I am doing the task.” “You’re getting harder to please, Angela.” Gumaralgal ang tinig nito bakas ng pagkadismaya. “I don’t need anyone to please me, either. I have to go.” Tinalikuran niya ang kausap at malalaki ang hakbang na lumisan. Lulan siya ng kotse nang mapansing tumatawag ang mommy ni Lyka sa cellphone na binigay ng kaniyang kapatid. Malamang ay nag-aalala na ito kasi umalis siya na walang kasamang bodyguard at driver. She ignored the call and drove the car. Papunta na siya sa address ng kaniyang target. Nasa bahay na marahil ito sa mga oras na iyon. Pagdating sa tapat ng bahay ng target ay nagsuot siya ng itim na gloves at kinuha ang self-made peeling knife niya na naitutupi at naitatago sa handle ang blade. It’s her weapon for the close target. Meron din naman siyang syringe-type gun na needle ang bala at merong lethal chemical. Nag-abang siya sa labas saktong kararating ng target niyang pulis, nakauniporme pa. She expected that there would be security cameras in front of the house. Pinaatras niya ang sasakyan sa tapat ng kapitbahay. Napansin niya na pumasok ng gate ang target, may bitbit na itim na handbag at paper bag na pula. Alam niya na lalabas ulit ito dahil umaandar ang kotse sa labas. Naghintay siya ng ilang minuto bago muling lumabas ang target, nakasuot na ng black suit at may kasamang babae na naka-dress na pula. Sumakay ng kotse ang mga ito at umalis. Sumunod kaagad siya sa mga ito hanggang sa makarating sa isang hotel. May dadaluhan malamang na party ang mga ito. Mahaba ang pila ng mga sasakyan papasok ng hotel. Hindi na siya makapaghintay. Nagsuot siya ng wig na kulot at blonde. Nagsuot din siya ng face mask na itim at sunglasses. Pagkuwan ay naglakad siya palapit sa kotse ng target na nakahinto. Kinatok niya ang bintana sa driver side kung saan nakapuwesto ang target. Binuksan nito ang salamin ng bintana hustong makalusot ang ulo nito. “Ano’ng kailangan mo, Miss?” tanong nito. “Uhm, flat po ang gulong ng kotse ninyo sa likuran,” sabi niya. “Ha?” “Bakit, honey?” tanong ng babaeng katabi ng target. “Flat daw ang gulong sa likuran pero bago ‘yon.” “Mamaya mo na tingnan, traffic dito,” sabi ng babae. Mukhang walang balak lumabas ang target. Wala siyang choice kundi dumiskarte. “Salamat, Miss. Mamaya ko na tingnan ang gulong,” sabi ng target. Isasara na sana nito ang salaming bintana pero pinigil niya. “Wait,” aniya. Nang lumapit pa sa bintana ang ulo ng target ay mabilis niyang ipinasok ang kaniyang kamay na may patalim at ginilitan ito sa leeg. Hindi pa siya nakontento at pinilipit ang ulo ng target. Tumili ang babae nang makitang sumirit ang dugo mula sa leeg ng target. “Tulong!” sigaw nito. Bago may makapansin sa sumigaw na babae ay nakalayo na siya. Mabilisan siyang lumulan ng kotse at nagmaneho. SA condo ni Lyka tumuloy si Angela at doon na naligo. Nagsasabon pa siya ng katawan nang kalampagin ni Lyka ang pinto. “Angela, huwag ka munang lalabas diyan, ha? Nasa labas si Mommy, gustong pumasok dito,” anito. “Copy,” sabi niya lang. Sumugod na roon sa condo ang mommy ni Lyka dahil hindi siya sumasagot sa tawag nito. Tumambay pa siya sa loob ng banyo at doon na nagbihis. Naghintay siya ng ilang minuto bago bumalik si Lyka at pinalalabas na siya. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ni Mommy?” iritableng tanong nito. “I’m busy lately,” aniya. Nilagpasan niya ang kapatid. “Uwi ka na. Huwag mo ignorahin ang tawag ni Mommy. Magdududa siya sa ‘yo.” “I’ll go now.” Kinuha na niya ang kaniyang bag at lumisan. Pagdating sa bahay nila Lyka ay may nakahain nang hapunan at may bisita, si Azrael. “Kanina pa rito si Azrael, Anak. Saan ka ba nanggaling?” sabi ng daddy ni Lyka. “Sa condo,” tipid niyang tugon. Tumayo pa si Azrael at pinaghila siya ng silya sa tabi nito. Umupo naman siya, ni hindi sinipat ang kaniyang fiance. Ginutom na siya kaya nauna na siyang kumuha ng pagkain. Kaagad siyang sumubo ng fried chicken gamit ang kamay. Sa pagkain lang siya naka-focus. Nagtataka siya bakit natahimik ang mga kasama niya at nakatitig lang sa kan’ya. Hindi siya nagpaapekto at tuloy lang ang subo ng pagkain. She eats a lot, and food is life for her. “What’s the matter?” tanong niya sa mga kasama. Matabang na ngumiti si Hellen. “Uhm…. we didn’t pray yet,” anito. “I’m hungry. You can pray.” “Lyka!” sita naman ni Romel. Napatitig siya sa ginoo at napansing nanlilisik ang mga mata nito sa kan’ya. May sakit ito sa puso kaya hindi dapat niya galitin. Binitawan niya ang hita ng manok at nagpunas ng tissue sa kan’yang bibig. Tumigil siya sa pagkain. Napansin niya si Azrael na mahinang tumawa. Sinipat niya ito saktong nakatitig ito sa kan’ya. He grinned. Tumahimik ang lahat nang magsimulang umusal ng panalangin si Hellen. Ang tagal nitong magdasal, niinip na siya. Nang matapos ay itinuloy niya ang paglantak sa pagkain. Wala siyang pakialam sa usapan ng mga kasama. Natigilan lang siya nang lagyan ni Azrael ng isa pang hita ng manok ang kaniyang plato. Napatitig siya rito na puno ang bibig. Nakangiti ito. “Mukhang nagutuman ka, ah. Eat more,” sabi nito. Hindi siya kumibo at tinutukan ulit ang pagkain. Nang mabusog ay halos hindi na siya makakilos. Tuwid siyang nakaupo habang palipat-lipat ang tingin sa mag-asawa na bakas sa mga mukha ang pagtataka. Naninibago marahil ang mga ito sa kilos niya. Lyka moves like a fragile woman, opposite of her. “Are you okay, Lyka?” tanong ni Hellen. Tumango lamang siya. “You ate chicken liver,” sabi naman ni Romel. Tumikwas ang kaliwang kilay niya. “What’s wrong with chicken liver?” tanong niya naman. “You don’t eat liver,” si Hellen. Napatda siya nang maalala ang mga pagkaing ayaw ni Lyka at kung saan ito may allergy. They were the opposite. She loves chicken liver. Ang dami pa naman niyang kinaing atay ng manok. Ang sarap kasi ng timpla nito, pinatuyong adobo. “I-I didn’t notice it. I’m just hungry,” aniya. Tumayo siya at nagkunwaring nasusuka. Tumakbo siya sa banyo. Nanatili siya sa loob ng banyo pamatay oras. Makalipas ang halos kalahating oras ay bumalik siya sa dining. Tapos na kumain ang mga kasama niya at nag-uusap-usap na lang. Umupo siyang muli sa tabi ni Azrael. “Bukas, sa bahay naman po kayo mag-dinner,” ani Azrael. “Uh…. si Lyka na lang siguro, hijo. May pupuntahan kasi kami ni Romel,” ani Hellen. Nabaling ang atensiyon ni Azrael kay Lyka. “Are you free tomorrow night, Lyka?” tanong nito. Tumango lang siya. “Sunduin mo na lang dito si Lyka bukas, Azrael. Mas maganda kung agahan ninyo para mahaba-haba ang oras ng bonding,” sabi ni Hellen. “Yes, Tita.” Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Azrael. May tumatawag dito. Hindi na ito lumayo at sinagot ang tawag. “Hello? Jerico?” anito. Ilang sandaling tulala si Azrael. Pagkuwan ay marahas itong tumayo. “I’ll go there!” anito at ibinulsa ang cellphone. “I need to go, Tito. May pumatay kay Ninong,” sabi nito. Napatayo rin si Romel. “Si Inspector Zoren Alferos?” saad nito. “Opo, pinatay siya kanina lang sabi ng asawa niya habang nasa loob ng kotse.” “Diyos ko!” bulalas ni Hellen. “Pasensiya na po, kailangan ko na umalis.” Nagmamadaling umalis si Azrael. Samantalang napapaisip si Angela habang nakaupo at sinisimsim ang wine sa kaniyang baso. She realized that her latest target was Azrael’s godfather, and Lyka’s dad knew him. What a coincidence!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD