NALIGO pa si Angela sa banyo ng hotel suite at nilinis ang bakas ng dugo sa kan’yang katawan. Hinubad niya ang kaniyang singsing na merong sandata at pinalitan ng karaniwang singsing. Paglabas niya ng banyo ay naroon pa rin si Hellen, balisa. Nilapitan siya nito at sinuri ang kaniyang katawan.
“Sigurado ka bang okay ka lang, Anak?” nag-alalang tanong nito.
Tumango siya. “Magbibihis na ako,” aniya. Nilagpasan lang niya ang ginang.
May marka ng lubid sa mga braso niya pero hindi naman masakit. Namanhid na rin kasi siya sa sakit. Ito ang inaalala ni Hellen at gustong ipagamot pero tumanggi siya.
Nagsuot na siya ng bagong rose pink dress na binigay ng ginang. Siya na rin ang nag-ayos sa kaniyang mukha gamit ang makeup set na bigay nito. Inilugay lamang niya ang maalon niyang buhok na hanggang baywang. Kinulayan ito ni Lyka ng ash brown katulad sa buhok nito. Mabuti pareho silang mahaba ang buhok at maalon hanggang baywang.
Nang makapagbihis ay bumalik din sila sa party. Pansin niya na uneasy si Azrael kahit may kausap na tao, maaring nakarating na rito ang video ni Cassy. Hindi na niya ito nakausap. She acted casually while the ceremony started.
Pagkatapos ng seremonya ay may dumating na mga pulis at ibinalik ang bag niya na nakuha sa kotse. May pagkakataon siyang mahawakan ang cellphone at napansing tadtad na ito ng missed calls mula kay Lyka. Nabalitaan na malamang nito ang nangyari sa kan’ya dahil kumalat sa social media.
Ganoon pala ang maimpluwensiyang mayayaman, may taga-media na nakaabang sa bawat ganap sa buhay ng mga ito. Her current situation might conflict with her secret job. She didn’t expect it would be more complicated. She needs to find ways to exit without breaking her promise to Lyka.
Pumasok siya ng banyo at doon tinawagan si Lyka. “Nasa hotel na ako, natuloy ang engagement,” sabi niya nang sagutin nito ang tawag niya.
Malalim na hininga ni Lyka ang bumungad sa kan’ya. “Mabuti naman. I expected that. Pero paano mo nalusutan ang mga kidnapper?” anito.
“Wala pa silang isang libo para hindi ko malusutan,” aniya.
“Hay! Inatake ako ng nerbiyos, gaga ka! Teka, may ideya ka ba kung sino ang kidnapper mo?”
“Si Cassy, ang fling ni Azrael. Siya raw ang unang babaeng naireto ng daddy ni Azrael sa kan’ya. She wanted justice for her broken heart and pride.”
Humagalpak ng tawa si Lyka. “Hindi ko kilala ang babaeng ‘yon pero kagigil, ah. Mabuti na lang nagpalit na tayo ng posisyon. Malas ng Cassy na ‘yon, isang notorious assassin ang pina-kidnap niya. So, ano na ang plano mo kay Cassy?”
Sumandal siya sa gilid ng sink. “Kung hindi siya titigil sa panggugulo, babalatan ko siya nang buhay at paliliguan ng asin.”
“OMG! You’re sadist, Angela! Pero salamat talaga at nakaligtas ka. You also saved me. Ako sana ang na-kidnap at baka mapatay pa nila ako.”
“Forget about it.”
“Okay. Kumusta na pala ang engagement?”
“Tapos na. First week next month na ang kasal.”
“Nasa London na ako niyan. Punta ka sa condo ko bukas. Marami pa akong ituturo sa ‘yo.”
“Oo. Babalik na ako sa party.” Pinutol na niya ang linya.
Pagbalik niya sa party ay kinuha ng mga pulis ang oras niya para sa statement. Siyempre, nagsinungaling siya. Ang hindi lang niya kayang gawin ay umarte na natatakot. Okay na ‘yong tulala siya habang kinakausap. Iisipin ng mga ito na may shock pa siya.
Pagkatapos makausap ng mga pulis ay lumipat siya sa lamesang nakalaan para sa kanila ni Azrael. May waiter na nag-serve sa kan’ya ng pagkain at inumin. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napansin niya si Azrael na may kausap na tatlong lalaki na naka-suit, mga bata pa. Mga kaibigan marahil nito ang mga lalaki. They were casually talking while some were obviously staring at her.
Sumimsim siya ng red wine. Hindi siya komportable lalo na’t siya ang pinag-uusapan ng karamihang tao roon. Hindi siya sanay ma-expose sa maraming tao nang matagal. It felt suffocating to her.
Mayamaya ay humahakbang na palapit sa kan’ya si Azrael, may dalang bote ng wine. Hinila nito ang silya sa kaniyang tapat at doon umupo.
“Do you want more?” tanong nito sabay alok ng red wine sa kan’ya.
Ubos na rin ang laman ng kaniyang baso. “Sure,” tipid niyang tuwan.
Pinagmasdan niya ang kamay ni Azrael habang nagsasalin ng wine sa kaniyang bago. Makinis ang kamay nito kahit maugat, maputi. Mahahaba ang daliri nito, malalaki ang buto, malinis ang mga kuko. Ang mga daliri ng lalaki ang una niyang tinitingnan, weird pero doon siya humuhusga ayon sa kakahayan nito.
“Thanks,” sabi niya nang makuha ang kaniyang baso. Mahinhin siyang sumimsim ng serbisa.
Ramdam niya ang init ng titig sa kan’ya ni Azrael. Umiinom din ito ng wine pero sa kan’ya nakatutok ang mga mata nito. Maybe he was observing her.
“Are you sure you don’t need to see a doctor, Lyka?” pagkuwan ay tanong nito.
Tumitig siya diretso sa mga mata nito. “I don’t need a doctor,” she said.
Nanilay ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata. “I didn’t expect you’d be brave enough. It’s opposite from your parents’ description of your behavior.”
“My parents were busy in business. Hindi naman nila natutukan ang development ko. Ang nakikita lang nila ay ang gusto kong ipakita.”
Azrael chuckled. “Honestly, I found you a bit weird. But you’re interesting. I’m sure I would enjoy my married life with you.”
She didn’t dare give her reactions. She took a sip of wine again and focused her sight on the crowd. May napansin siyang pamilyar na mga mukha ng tao. Maaring ilan sa mga ito ay nakasalamuha na niya kung saan.
“Lyka….” sambit ni Azrael, kinukuha ang kaniyang atensiyon.
Ibinalik niya ang tingin dito. “What is it?” malamig niyang tanong.
“I know you can’t easily adjust with me, and you might still suffering from a breakup with your boyfriend. I hope you won’t blame me about it. We both know the deal about business. Pumayag ka sa kasal, meaning, you’re prepared. Huwag kang mag-alala, hindi ka magsisisi sa akin. I gave up all my flings for this opportunity, and maybe it would make me weak but I can adjust for you,” anito at mahinang tumawa.
Naiirita siya. She hates people talks too much. Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ni Azrael. Pumapak siya ng pasta at pilit iniignora ang kausap.
Mayamaya ay bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Siya namang sensitibo ang sense of touch, wala sa wisyo na hinuli niya ang kamay ni Azrael at biglang pinilipit.
“Ugh! Sh*t!” daing nito, napalakas ang boses.
Nabaling sa kanila ang atensiyon ng mga tao. Natauhan din siya at biglang binitawan ang kamay ni Azrael. Napasugod sa kanila ang mommy ni Lyka at hinawakan siya sa kanang braso.
“Ano’ng ginawa mo, Anak? Bakit sinaktan mo si Azrael?” natatarantang tanong ng ginang.
Tumitig siya sa mukha ni Azrael na nawiwindang habang hawak ang nasaktang kamay. He stared at her while still in shock.
“Sorry,” aniya saka tumayo. Walang paalam na iniwan niya ang mga kasama.
Bumalik siya sa inuukupa niyang kuwarto at pumasok ng banyo. She stood in front of the mirror and stared at her reflection. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na siya na si Lyka. Kailangan niyang matutuhang maging malambot.
Lumabas siya ng banyo nang may kumatok sa main door. Pinagbuksan niya ito at pinapasok ang mommy ni Lyka. Bakas sa mukha ng ginang ang pagkabalisa.
“What’s wrong with you, hija?” tanong nito.
“I’m fine,” sabi niya lang. Lumuklok siya sa gilid ng kama at inayos ang kan’yang buhok.
“No, you’re not. I called a doctor to check your health. You’re still in trauma. Magsabi ka nga sa akin ng totoo. Sinaktan ka ba ng mga kidnapper?”
“No. I don’t need a doctor,” giit niya.
Palakad-lakad sa harapan niya ang ginang. “You acted odd these few days, Lyka. Alam ko nagtatampo ka pa rin sa amin ng daddy mo, pero huwag namang ganito. Nag-close na tayo ng agreement sa pamilya ni Azrael. Isipin mo rin ang kalagayan ng daddy mo. Kailangan niya ng katuwang sa business, eh wala ka namang interest. Malaki ang maitutulong ni Azrael sa negosyo natin.”
Tumayo siya at lumapit sa round table, nag-check ng kaniyang cellphone. “I agreed to the marriage agreement, so, it will proceed no matter what happens. Don’t worry,” sabi niya.
“Okay. You must be tired. Gusto mo na bang umuwi? Doon ko na lang sa bahay papupuntahin ang doktor.”
Tumango siya.
“Babalik ako. Kakausapin ko lang si Azrael.” Lumabas din ang ginang.
Inayos naman niya ang kaniyang gamit.
HUMARAP sa doktor si Angela pero hindi siya nagpakita ng kahinaan. May nabiling gamot ang mommy ni Lyka pero hindi niya iniinom. Kinabukasan ay maaga siyang umalis ng bahay at nagtungo sa condo ni Lyka. Tinakasan niyaa ng bodyguards.
Kapapasok pa lang niya ng silid ay sinalubong na siya ni Lyka ng mahigpit na yakap. Nauna siyang umiwas dito.
“Ano na ang nangyari?” usisa nito.
Lumuklok siya sa couch at naghubad ng duster jacket. “Nagdududa ang mommy mo sa kilos ko,” sabi niya.
Napabuga ng hangin si Lyka at namaywang habang nakatayo sa kaniyang tapat. “Ano ba kasi ang pinaggagawa mo? Can’t you act like me?”
“I can disguise using different personalities, but for personal purposes, it’s a bit difficult.”
“Hay!” Umupo rin sa katapat niyang sofa si Lyka at nagdikuwatro. Humalukipkip ito. “You need more effort to master my behavior. Madaldal ako, mataray, mahirap bang gawin mo ‘yon?”
“Kaya kong magtaray, pero ang dumaldal ay masakit sa sintido.”
Humagalpak ng tawa si Lyka. “Are you still human, Angela? What’s wrong with your emotions?”
“An assassin should not rely on emotions. It’s our weakness.”
“Fine! I understand you, but you’re no longer an assassin, Angela. I freed you from that kind of life.”
She heaved a sigh. “Hindi kasama sa usapan natin na iwan ko ang pagiging assassin. I spent almost half of my existence to become a skilled assassin, and there’s no way to revive what life I used to have before.”
Shocked na tumitig sa kan’ya si Lyka. Napailing ito. “I didn’t expect you to be a heartless human being, Angela. I’m still hoping you will quit that dangerous job you have soon.” Tumayo na ito at pumasok ng kuwarto.
Nabaling naman ang atenisyon niya sa kaniyang cellphone na tumutunog. Tumatawag sa kan’ya si JK. Sinagot naman niya ito.
“Angela, where are you?” tanong ni JK sa kabilang linya.
“I’m doing another job,” she said.
“What job?”
“It’s personal.”
“Angela, nakahahalata na si Boss sa matagal mong pag-ignora sa tawag niya. Are you planning to escape?”
“I’m not escaping. I just need to do this favor from my sister.”
“Then why are you ignoring Boss’s calls? He had a lot of missions to give you. Don’t reach his limit. Hindi pa tapos ang kontrata mo sa Assassin’s Club.”
She took a deep breath. Hindi siya nakalimot sa six years contract na pinirmahan niya sa Assassin’s Club. Meron pa siyang tatlong taong nalalabi kaya hindi puwedeng hindi siya tatanggap ng misyon.
“Tatawag ako kay Boss mamaya. Don’t worry, I will not break the rules,” aniya pagkuwan.
“I will wait for you to return to the headquarters. See you.”
She just dropped the phone on the center table and gently closed her eyes. She didn't see it coming—to have a complicated life.