SA opisina ni Azrael na sila kumain ng tanghalian. Ayaw ni Angela kumain sa labas kaya pinaluto nila ng lunch si Moira at pinakuha lang sa driver ang pagkain. May naghihintay pang paperwork sa kanila at kailangang matapos ni Angela bago sila lilipat sa kumpanya naman ng parents ni Lyka. Atat na siyang mag-asikaso ng kailangan sa misyon kaya pinagtiyagaan din niyang matapos ang paperwork. Hindi makapunta sa opisina ang daddy ni Lyka kaya silang dalawa ni Azrael ang nag-asikaso ng kailangan sa meeting. Isang oras lang naman ang itinagal ng meeting. “Can I go now?” atat niyang tanong sa asawa nang makalabas sila ng conference room. “Hindi ka na talaga makapaghintay, ano? Madaling araw pa naman ang alis mo papuntang Pampanga ‘di ba?” anito. “Oo pero marami pa akong aayusin.” “Sige na. M

