NAKAPAG-CHECK OUT na sa resort si Angela nang tumawag si Azrael. Sinagot na niya ito para hindi magatungan ang galit nito. “Baka gabihin na ako ng uwi. Huwag mo na akong hintayin at didiretso ako sa condo,” sabi niya. “Naka-off ba ang phone mo? Hindi kita matawagan kanina pa,” anito. “Nag-off ako ng phone kasi busy kanina. Nag-start na ang events.” “Umiiwas ka lang sa tawag ko, eh.” “I told you, I would be busy. Hindi ka ba mapakali na hindi ako matawagan kahit isang araw?” “Hindi, Lyka. Para na akong mababaliw rito kakaisip sa ‘yo.” “You’re overreacting. Huwag mo akong aabalahin. Uuwi naman ako mamaya.” “Fine! Sa bahay ka na diretso at hihintayin kita for dinner. Hindi ako kakain at matutulog kung hindi ka uuwi.” Napabuga siya ng hangin. Kung hindi niya susundin si Azrael ay lalo

