MATAPOS mabayaran ang bill sa ospital ay nagpasya si Angela na asikasuhin ang lupang nabili niya sa Kanagawa Japan. Malayo iyon sa property na nabili ng kinalakihan niyang pamilya. Maayos na ang buhay ng mga iyon at wala na siyang balak balikan. Naintindihan naman siya ng mga ito. “You should go back to the Philippines, JK,” sabi niya sa kaibigan. “Not now. I will help you build your dream house. Si Eric na ang bahalang mag-asikaso sa Assassin’s Club. Bibilhin na niya ang stocks nito kaya siya na ang owner,” anito. Pinapanood nila ang staff ng isang construction company na naglilinis ng isang ektaryang lupain na malapit sa dagat. “Magtatrabaho ka ba kay Eric?” tanong niya. “Oo, pero sa opisina lang. Aabangan ko pa kung ano ang agenda ni Eric sa bagong Assassin’s Club. Baka itutuloy ni

