TATLONG tawag na ni Azrael ang hindi nasagot ni Angela. Katatapos lang niyang kumain sa isang restaurant na nadaanan niya at kaagad bumiyahe. Hindi niya maintindihan bakit pakiramdam niya ay idinadarang siya sa apoy. Ang init ng kaniyang katawan, nababalisa. Kapag ganoon ang pakiramdam niya ay senyales na may hindi magandang mangyayari o nangyari na related sa kan’ya. Nag-reply lang siya sa mensahe ni Azrael na nagtanong kung nasaan na siya. Sinabi lang niya na bumibiyahe na siya pauwi. Wala naman itong sagot. Mayamaya ay tumawag si Calyx sa video call. Sinagot niya ito at hinayaang nakatayo ang cellphone sa dashboard, nakaharap sa kan’ya. “I’m driving,” aniya. “I have bad news,” bungad ni Calyx. “What is it?” “The client already noticed the delay of the mission. Maybe he expected t

