MARAHANG itinulak ni Angela sa dibdib si Azrael at dumistansiya rito. “Sa condo muna ako matutulog,” sabi niya. Nilubos niya ang pagkakataong tulala si Azrael. Hindi na rin niya kayang timpiin ang paninikip ng kaniyang dibdib. Kailangan niyang huminga baka bibigay ang kaniyang puso. Kinuha lamang niya ang mahalagang gamit niya sa kuwarto at lumisan. Pagdating sa condo ay kaagad siyang napayakap kay Lyka nang salubungin siya nito. For the first time, hindi niya napigil ang sariling humagulgol. “What’s wrong? Nakapag-usap na ba kayo ni Azrael?” balisang tanong nito. Tumango siya. “I told him the truth.” “OMG! Ano’ng sabi niya? Inamin mo rin ba na isa kang assassin?” “May hint na siya kaya wala akong choice kundi aminin ang totoo.” “Hala! Paano ‘yan? Baka ipakulong ka niya!” Kumalas s

