LUMALIM pa ang tulog ni Lyka dahil sa payapang takbo ng sasakyan. Hindi na ito ginising ni Azrael pagdating ng bahay at binuhat na lamang. Dinala niya sa kuwarto ang asawa at maingat na naihiga sa kama. Hinubaran niya ito ng sandals sa mga paa. Gumalaw si Lyka at umingos, nagsasalita na naman. “Papa….” sambit nito. Nagtatakang tinitigan niya ang nahimbing na asawa. Dalawang beses nitong binigkas ang katagang ‘papa’. And he thought about it carefully. Never niya narinig na ganoon ang tawag ni Lyka sa daddy nito. Sinong papa ang tinutukoy nito? Naghubad na lamang siya ng pants at polo. Nagpalit lang siya ng itim na boxer at manipis na kamesitang puti. Kung kailan hihiga na siya sa kama ay saka tumunog ang cellphone ni Lyka na nasa bag nito. Dinampot niya ang shoulder bag mula sa round tab

