“UH…. baka po kahawig ko lang po ang nakita n’yo, Uncle. You know, it’s usual to have a resemblance that is not blood-related to us,” sabi ni Angela, pilit itinago ang pagkabalisa sa ginoo. Napailing si Leo, matipid na ngumiti. “No, she’s not just your look alike. Magkamukhang-magkamukha talaga kayo,” giit nito. “Are you sure? I don’t remember my past.” Nag-isip na siya ng palusot. “What do you mean?” “Aware ako na adopted lang ako ng parents ko kasi wala silang anak. Inampon nila ako mula sa orphanage. Sabi may aksidenteng nangyari sa pamilya ko at naapektuhan ang utak ko kaya walang maalala. Hindi rin alam ng adoptive parents ko ang nangyari maging ng staff sa orphanage. Wala akong alam tungkol sa biological parents ko.” “So, maybe you have a twin sister living with another family.”

