HINDI makapag-focus sa pagkain si Angela dahil hindi maalis sa kukoti niya ang nabasang mensahe ni Jerico kay Azrael. Nadagdagan ang ideya niya upang mapadali ang paghahanap niya sa taong pumatay sa kan’yang mga magulang. Nagbukas na ng red wine si Azrael at nagsalin sa dalawang kopita. “Hindi ako iinom ng wine,” aniya, inunahan na ang asawa. “Konti lang, isang baso para masarap ang tulog mo mamaya.” “May gagawin pa ako at ayaw ko na nawawala ako sa focus.” “Hindi ka naman malalasing nito.” Ibinigay pa rin nito sa kan’ya ang baso ng wine. No choice siya at ininom din ang wine. Malapad na ngumiti si Azrael habang nakatitig sa kan’ya. Ang ngiti nito ay tila ba may masamang binabalak. “Did you put something in my wine?” tanong niya. “Ano naman ang ilalagay ko?” amuse nitong tanong. S

