PAGDATING sa bahay ng parents ni Lyka ay naroon na si Azrael. Nakipag-unahan pa ito kay Hellen na lumapit sa kan’ya. “May nag-iwan din daw ng bomba sa condominium ni Gov. Sanchez?” ani Hellen. “Opo pero naalis na ng mga pulis. Mahigpit ang security ngayon doon,” aniya. Natigilan si Azrael nang mapatingin ito sa cellphone na hawak. Maaring may natanggap itong masamang balita na ikinawindang nito. Nauna na lamang siyang pumasok ng bahay kasama si Hellen. Naghihintay na sa hapag ang daddy ni Lyka, kalmado lang. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Hindi nagbubukas ng telebisyon si Hellen upang maiwasang makarinig ng masamang balita si Romel. Kumain sila na iba ang pagksa, tungkol sa negosyo. “Kagagaling ko lang po kanina sa office nito at naayos ko na ang problema,” sabi ni Azrael. “Ma

