“DON’T do something to provoke, Cassy, Lyka. Hayaan mo akong kumilos para matigil siya,” sabi ni Azrael. “Wala naman akong ginagawa. I’m just praying for the Ramirez family’s death,” sabi niya. Umupo na siya sa couch at nagdikuwatro. “That’s cruel.” Tumawa ito nang pagak. “Don’t worry, honey. We will claim justice,” anito. Sinipat lang niya ito. Sa loob-loob niya, ibang justice ang gusto niya. Buhay ang kabayaran sa kasalanan ng pamilya ni Cassy. “Wala pa bang food?” pagkuwan ay tanong niya. Humihilab na ang kaniyang sikmura. Speaking of foods, dumating ang driver ni Azrael dala ang pagkaing niluto ni Moira. Kinuha kaagad niya ang mga pagkaing nasa food basket at dinala sa mini dining room. Naghanda na siya ng mga kubyertos. Hindi pa tapos sa kausap nito si Azrael kaya nauna na siya

