NAGULAT si Martina nang paglabas niya ng kuwarto nang gabi ay nadatnan niya si Dario sa sala na nakaupo sa sofa. Halos gabi-gabi na lang itong naroroon sa bahay ng lola niya simula noong Pasko. "Hi!" nakangiting bati nito sa kanya. "Dito ka na lang kaya tumira, Doc," pilyang bungad niya rito. Agarang napalis ang ngiti ni Dario. Tumayo ito. Palinga-linga ito sa paligid Nang matiyak na walang taong nakatingin sa kanila ay bigla na lamang siya nitong nilapitan. Hinapit nito ang braso niya saka siya hinila palabas ng bahay. Sumunod naman siya rito. Dinala siya nito sa likod ng bahay kung saan madilim at walang katao-tao. Isinandal siya nito sa puno ng niyog na hindi pa namumunga. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Pagkuwan ay hinapuhap nito ng halik ang kanyang mga labi. Matagal at map