Chapter 20

2266 Words

PAGKALIPAS ang tatlong buwan... Magmula nang magpaalam si Dario kay Martina na aalis papuntang Maynila ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang lalaki. Hindi ito tumatawag sa kanya kahit text. Hindi rin siya sumubok na tawagan ito kahit minsan ay napa-paranoid na siya. Tiniis niya ito. Ngunit ngayong lumipas na ang tatlong buwan na hindi pa rin nagpapakita sa kanya si Dario ay nababahala na siya. Ilang araw na lang ay bakasyon na naman. Ilang araw na lang din ay magtatapos na ang masayang araw niya sa paaralang iyon. Sa susunod na pasukan ay lilipat na siya sa Cebu. Nalulungkot siya sapagkat naroon ang malalapit niyang kaibigan. "Bakit hindi mo na lang tapusin ang pag-aaral mo dito, Tina? Isang taon na lang naman graduate ka na," ani Rona nang maiwan silang dalawa sa la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD