Chapter 21

2854 Words

NAHIMASMASAN si Martina nang maramdaman niya'ng tila may humahalik sa labi niya. Ngunit hindi niya kilala ang halik na iyon. Hindi niya maimulat ang kanyang mga mata sapagkat may nakapiring na makapal na tela sa kanyang mga mata. Hindi rin siya makapiglas dahil ramdam niya ang mahigpit na pagkatali sa mga kamay niya at mga paa. Ramdam niyang nakatayo siya. Ang likod niya'y nakadikit sa matigas na bagay. Nakadipa ang mga kamay niya na kapwa nakatali. "Sino ka?" marahas na tanong niya. Wala siyang narinig na tinig ngunit may mga kaluskos sa paligid. Kumislot siya nang may kamay na humaplos sa leeg niya. Ang kamay na iyon ay may katigasan at magaspang. Alam niyang kamay iyon ng isang lalaki. Naramdaman na naman niya ang mainit na labi nito na humahalik sa kanyang bibig. Kinikilabutan siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD