NAALIMPUNGATAN si Martina nang maramdaman niya ang mainit na bagay na naglalandas sa binti niya. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya nakakilos nang mamalayan na nakagapos ang mga paa at kamay niya habang siya'y nakahiga sa kuwadradong papag na yari sa bakal na halos isinukat sa kanyang katawan. "Maligayang pagdating sa aking mga kamay, Martina! Ikaw pala ang kaaya-ayang dilag na kinahuhumalingan ng suwail kong anak. Sino ang mag-aakala na ang kataksilan mismo ng sarili kong anak ang magdadala sa akin ng suwerte," pangahas na sabi nito habang pinagmamasdan siya. Inalipin siya ng kaba at hilakbot nang masilayan niya ang pangit na mukha ng isang lalaki na nakadukwang sa kanya. May katandaan na ito at halos patay na ang balat nito dahil sa maputlang kulay nito na tila naaagnas. Mapupula ang m