MAKALIPAS ang isang linggo. Pagkatapos na maihatid sa huling hantungan ang mga labi ng Nanay ni Martina ay nagkulong siya buong araw sa kuwarto niya. Dinala niya lahat roon ang mga naiwang kagamitan ng Nanay niya. Inisa-isa niya ang mga obra ng Nanay niya. Mga yaring ponda ng unan na may borda ng pangalan niya ang kanyang nakita. Mga tinahing damit ng isang sanggol at kung anu-ano pa. Tumulo na naman ang luha niya nang mapansin ang isang dosenang lampin ng sanggol na may nakaborda na pangalan niya at pangalan ni Dario. May kung anong kumurot sa puso niya habang pinagmamasdan ang mga likha ng kanyang ina. Hindi niya akalain na para lahat iyon sa magiging anak niya. Meron pang mga hindi natapos na trabaho ang Nanay niya. Ang panyo na may borda ng pangalan niya at ang karugtong na salita ay.