NAGULAT si Martina nang pagpasok niya sa inuukupa nilang kuwarto ay nadatnan niyang gising ang Kuya niya. Nasa sala ito at nagkakape. "Sino ang naghatid sa iyo? Saan ka nanggaling?" magkasunod na tanong nito. "Ah, e..." hindi niya malaman kung ano ang nararapat niyang itugon. Dagling inalipin ng kaba ang buong sistema niya. Seryoso si Mark at namumuro ang galit sa guwapo nitong mukha. Marahas na tumayo si Mark. "May inililihim ka ba sa amin, Tina? Parang tanga kaming naghahanap sa iyo, nag-aalala na baka isa ka sa nabiktima ng mga halimaw na pumapatay! Pinatay mo pa ang cellphone mo para hindi ka makontak? Anong kahibangan ito? Hindi ka na teenager, nagkaka-edad ka na! Hindi ka pa rin ba nagbabago? Ngayon sagutin mo ako. Saan ka nanggaling!" nanggagalaiting litanya ni Mark. Halos mam