"BAKIT ganyan ka kung makatingin? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" tanong ni Martina kay Dario nang silang dalawa na lamang ang nakaupo habang magkatapat sa mesa. Mahayap kasi ang pagkakatitig nito sa kanya na para bang may kasalanan siya rito. "Akala mo hindi ko napansin na nakipagtitigan ka kay Trivor kanina?" anito. Tumawa siya ng pagak. Iyon lang pala ang dahilan. "E, ano naman kung tumitig ako sa kanya? Tinitigan kasi niya ako, e," katwiran niya. "Hindi ka dapat nakikipagtitigan sa kanya," matigas ang tinig na sabi nito. "Ah, wala na pala akong karapatang makipagtitigan sa ibang lalaki, ganun? Parang iyon lang nagseselos ka na?" "It's not about jealous, Tina. Siyempre, natural na magseselos ako. Ayaw ko na may ibang lalaki na magnasang agawin ka sa akin. Sino ba ang lal