Chapter 15

2406 Words

NATIGILAN si Martina nang maisip din ang sinabi ni Dario tungkol sa Kuya niya. Inusig siya ng tanong kung papayag ba ang Kuya niya na makipagrelasyon siya sa isang bampira? Hindi na siya nakakibo. Hindi siya nakapalag nang lumayo sa kanya si Dario. Kamuntik na siyang mawalan ng balanse. Napilitan siyang itukod sa sahig ang mga daliri ng paa niyang may sugat. Hindi na rin ganoon kakirot ang nararamdaman niya sa sugat dahil sa gamot na inilagay roon ni Dario. "Kumain ka na habang mainit pa ang pagkain. Pagpasensiyahan mo na ang luto ko. I'm not good in cooking and ever since I saw the world, I never cook for humans," seryosong wika nito habang nililisan siya. Sinundan lamang niya ito ng tingin habang papalapit ito sa pinto. Nang bubuksan na nito ang pinto ay saka lamang siya nakaisip ng sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD