PAGKATAPOS maligo ni Martina ay ginupo siya ng antok. Bumalikwas siya ng upo nang mapansin niya ang suot niyang damit. Hindi na damit ni Dario ang suot niya. May underwear na siya. Magarang bestida na kulay puti ang suot niya. Bumangon siya nang hindi niya naramdaman ang presensiya ni Dario. Nakalimutan ni Dario na bilihan siya ng sapin sa paa. Nang maramdaman niya ang paghilab ng kanyang sikmura ay natukso siyang lumabas ng kuwarto. Namangha siya sa kanyang nakikita. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang bahay na iyon. Marami siyang nakikitang kuwarto. Ang pasilyo sa kaliwa't kanan niya ay malawak. Hindi niya alam kung saan ang patungo sa kusina. Pinili niya ang pasilyo sa gawing kanan. Naglakad siya hanggang sa dulo kung saan may hagdan pababa. Napakataas ng spiral design na hagdan. Na