NAGIMBAL si Martina dahil sa mga sinabi ni Dario tungkol sa pagkatao nito. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa mga mata nito. Pakiramdam niya'y may kung anong nakakapasong bagay na sumaklob sa pagkatao niya. Seryoso si Dario sa sinabi nito pero bigla siyang natawa sa akalang binibiro lang siya nito. "It's not funny, Tina. I'm serious," napipikong sabi ni Dario. Tumigil siya sa pagtawa. Naguguluhan siya. Hindi siya nakakibo nang hawakan nito ang mga kamay niya. "Hindi ako tao, Martina. Isa akong imortal na daang taon nang nabubuhay sa mundo. Isa akong halimaw na ang bumubuhay ay sariwang laman at dugo ng tao. Hindi ako nagbibiro. Hindi ko babawiin ang sinabi ko kahit layuan mo pa ako at isuplong sa mga alagad ng batas na tumutugis ngayon sa mga katulad ko. Pero hindi ako ang pumap