Chapter 25

2713 Words

"DARIO, parang awa mo na, huwag mong gawin sa akin ito," samo ni Erron kay Dario. Ngunit hindi pinapansin ni Dario ang nagmamakaawang pinsan nito. Nahihirapan ang damdamin ni Martina habang pinagmamasdan niya si Erron. Hindi niya inintindi si Dario. Pinilit niyang makalas ang kadenang nakatali sa kamay ni Erron ngunit matibay iyon. Siya ang kinakabahan habang unti-unting nilalamon ng liwanag ang dilim. "Tina!" tawag sa kanya ni Dario. Nagulat siya nang bigla siya nitong hapitin sa braso at kinaladkad siya palayo kay Erron. Nagpumiglas siya. "Ano ba! Ayaw kong maging masama ka, Dario!" asik niya. Hindi nito binitawan ang braso niya. "Hindi ako masama, Tina! Pinaparanas ko lang sa kanya kung ano ang dinanas ko dahil sa kapangahasan niya! Siya ang dahilan kung bakit napunta ka sa kamay ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD