Chapter 24

2351 Words

NAGMULAT ng mga mata si Martina nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Tinangka niyang bumangon ngunit napahiga siyang muli nang gupuin siya ng sakit ng katawan niya at nanghihina. Gusto niyang makita kung sino ang pumasok. "Magpahinga ka muna at huwag ka munang lalabas sabi ni Dario." Nagulat siya nang bigla na lamang sumulpot sa tagiliran niya si Serron. May dala itong tray ng pagkain. "Kumain ka muna," anito saka inilapag sa kama sa tabi niya ang pagkain. Nang pakiramdam niya'y kaya na niyang kumilos ay dahan-dahan na siyang umupo. "Nasaan si Dario?" dagli'y tanong niya. "Meron lamang siyang inaasikaso," anito. "Hindi ko ba puwedeng malaman kung ano ang ginagawa niya?" "Mas mainam na kayo ang mag-usap." Tinalikuran na siya nito. "Sandali..." pigil niya rito. Hinarap naman si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD