"DARIO!" naisigaw ni Martina nang maalimpungatan siya. Bumalikwas siya ng upo. Mabilis ang t***k ng puso niya. Pakiramdam niya'y tumakbo siya nang ilang kilometro. Nanlalambot ang katawan niya. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga. Nang mahimasmasan ay iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Kilala niya ang kuwartong iyon at ang kamang hinihigaan niya. Kuwarto iyon ni Dario. Bumangon siya nang maalala ang huling nangyari bago siya nakatulog. Nang maalala si Dario ay nagmamadaling tinungo niya ang pinto ngunit natigilan siya nang... "Saan ka pupunta?" tanong ng matapang na tinig ng lalaki. Pumanting ang tainga niya. Ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. Magkahalong kaba at pananabik ang nadarama niya nang mga sandaling iyon. Dagling hinagilap ng paningin niya si Dario. Namataa