KINAKABAHAN si Martina habang papasok siya sa kuwarto ni Dario. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Nakaupo na sa kama si Dario habang nagtatanggal ng sapatos sa paa. "Uhm, nag-usap lang kami ni Erron. Nakita ko kasi siya na may dinalang babae rito at balak niyang patayin. Pinigilan ko siya. Gusto ko lang siyang damayan sa pinagdadaanan niya at walang ibang kahulugan iyon. Pinayuhan ko lang siya," dagli'y paliwanag niya. "Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo. Masyado ka nang defensive d'yan," masungit na sabi nito. Nakadama siya ng pagkapahiya. Humakbang siya palapit dito. "Maghubad ka ng damit!" marahas na utos nito. "H-Ha?!" maang niya. Tumigil siya sa paghakbang. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa seryosong mukha ni Dario. "A-Ano'ng sabi mo?" tanong pa niya. "You heard