MAKALIPAS ang halos isang buwan na pananatili ni Martina sa puder ni Dario ay nakapagpasya siya na harapin ang mga magulang niya. Si Dario na mismo ang umusig sa kanya na umuwi sa pamilya niya at nangako itong sasama ito sa kanya upang makausap nang masinsinan ang mga magulang niya. "Ano nga pala ang sabi ni Kuya no'ng muli kayong nag-usap? Galit pa rin ba siya sa iyo?" tanong ni Martina kay Dario nang lulan na sila ng kotse nito. Kasalukuyang tinatahak nila ang kahabaan ng kalye pauwi sa bayan nila. "Medyo naibsan na ang galit niya no'ng sinabi ko na..." tumitig ito sa mga mata niya. "Na ano?" "Na papakasalan kita hindi matatapos ang first quarter ng taon," anito. "H-Ha! P-Paano?" manghang untag niya. Sinipat siya nito. "Sinabi ko kay Mark na papakasalan kita sa huwis. Sinabi ko na