NATARANTA si Martina nang paggising niya ay wala na si Dario sa higaan nito. Ang mga ginamit nitong kumot at unan ay maayos na nakatupi at nakapatong sa kanyang kama. Nang sipatin niya ang orasang nakasabit sa dingding ay dagli siyang lumabas ng kuwarto nang mabatid na alas-sais na ng umaga. Lumabas kaagad siya ng bahay upang matingnan kung naroon pa ang sasakyan ni Dario sa labas. Wala na ang kotse ni Dario. "Umalis pala si Dario, anak. May importante daw siyang aasikasuhin, pero babalik din daw siya mamayang gabi. Alam mo na daw iyon." Nagitla si Martina nang marinig ang Tatay niya na nagsalita sa kanyang likuran. Hinarap naman niya ito. May hawak itong sandok at may suot na apron. Nahulaan kaagad niya kung ano ang ginagawa nito. "Anong oras po umalis si Dario, 'Tay?" tanong na lamang