Nakatitig ako sa monitor ng aking laptop habang nakahalumbaba sa mesa. Kanina ko pa iniisip ang tungkol kay Dylan. Hanggang ngayon kasi… hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng kanyang mommy sa hospital. Muli akong bumuntong-hininga. “Tanungin ko kaya si Dylan?” kausap ko sa sarili. Ngunit bigla rin napawi ang binabalak ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Dylan sa kumpanya. Halos dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital at huli kong balita sa kanya ay maayos naman ang kalagayan niya ngayon. “Magtrabaho na nga lang ako.” Muling kong pinagmasdan ang laptop ko at ginawa ang mga reports na dapat kong unahin ngayon. Pagkalipas ng isang oras ay narinig ko ang katok sa pinto ng aking opisina. Pumasok ang aking assistant. “Excuse me, Ma'am Sienna," sa