CHAPTER 42

3048 Words

“Maria Sienna, wala ka bang pasok ngayon?” tanong ni Mama habang sabay kaming kumakain ng almusal. Bumuntong-hininga ako. “May pasok po ako ngayon.” “Oh, eh bakit nakikipagtitigan ka pa riyan sa tasa ng kape mo?” “Ma, naman!” “Alas-siyete na!” “Tinatamad po akong pumasok ngayon.” Kumunot ang noo niya at umupo sa tabi ko. Bigla niyang hinawakan ang noo ko. “Wala ka namang sakit.” Sumimangot ako. “Kapag may sakit lang ba puwedeng hindi pumasok sa trabaho?” “Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin. Hindi mo kasi ugali ang lumiban sa trabaho. Kahit noong nag-aaral ka pa, palagi kang pumapasok kahit malakas ang ulan.” “Masyado po kasi akong napagod nitong mga nakaraang araw. Gusto ko lang muna magpahinga kahit ngayon lang.” “Kung ‘yan ang gusto mo, wala naman akong magagawa. Kumain ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD